Home Opinion SAN SIMON WATER DISTRICT, LAGI NA LANG WALANG TUBIG

SAN SIMON WATER DISTRICT, LAGI NA LANG WALANG TUBIG

729
0
SHARE

Napakarami ng taong nagagalit
Sa Crystal liquid San Simon water district
Bukod sa madalas mawalan ng tubig
Kung magkaroon man ay may halong putik

Ang tulo ng tubig lalo sa umaga
Ay parang patak lang ng luha sa mata
Kung kaya’t ang mga nais na maglaba
Sa madaling-araw pa lang ay gising na

Sapagkat pagsapit na ng alas otso
Patak-patak na lang ang tulo sa gripo
Mga mag-aaral mga empleyado
Sa nangyayari ay naa-aburido

Kung ihahambing ay malakas pa ika
Sa patak ng tubig ihi ng palaka
Bago pa mapuno maliit na timba
Ay gugugol ka ng oras na mahaba

Mga manggagawa’t mga estudyante
Ay gumagawa na lamang ng diskarte
Sa pagpasok upang sila’y di mahule
Gabi kung maligo’t magpuno ng balde

Ina ng tahanan ay apektado rin
Sa paghahanda ng mga lulutuin
Ang pang araw-araw na mga gawain
Dahil walang tubig lahat nabibinbin

Ang problemang ito’y hindi na natapos
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos
Palaging dahilan mayro’ng inaayos
Kapagka ang daloy ng tubig ay kapos

Ang alibi nila ay hindi totoo
Bulok lang talaga kanilang serbisyo
Sa nakalipas na halos tatlong linggo
Ay umaangal na ang maraming tao

Sino ba naman ang hindi maha-“HIGHBLOOD”?
Sa serbisyo nila na nakakabanas
Mayrong insidenteng halos sampung oras
Walang tumutulo kahit na gapatak

Lalo sa panahon ngayon na tag-init
Mga mamamayan ay naliligalig
Pa’no maiibsan nadaramang init?
Kung nais maligo ngunit walang tubig

Ang Crystal liquid sa bayan ng San Simon
Sa mga reklamo’y hindi tumutugon
Hindi gumagawa ng anumang aksiyon
Upang problema ay mabigyang solusyon

Tila baga sila’y wala ng pakialam
Sa hinaing nitong mga mamamayan
Sila’y naglilingkod ng may kabayaran
Bakit hindi nila gawan ng paraan?

Napapanahon ng sila ay mag enhance
Mga kagamitang bulok yata lahat
Kailangan ng gawin yaong nararapat
Ang supply ng tubig upang maging sapat

Sangguniang bayang dito sumasakop
Ba’t hindi makialam ng maisa-ayos?
Nararapat lamang na sila’y kumilos
Sa problemang itong di matapos-tapos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here