Home Headlines Pagpapahalaga, pasasalamat sa pagbabayanihan sa gitna ng trahedya

Pagpapahalaga, pasasalamat sa pagbabayanihan sa gitna ng trahedya

154
0
SHARE

LUNGSOD NG ANGELES – Sa ngalan ng mga Angeleños, iIpinapaabot ni Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng indibidwal, pribadong sektor, volunteers, national agencies, local government units, at iba’t ibang organisasyong patuloy na nagbibigay ng tulong, suporta, at panalangin para sa nagpapatuloy na search and rescue operations bunsod ng nangyaring pagguho ng ginagawang gusali sa Barangay Balibago nitong Linggo.

“Lubos pong pinahahalagahan ng lokal na pamahalaan ang pagkakaisa at agarang pagtugon ng iba’t ibang grupo at indibidwal na nagbigay ng tulong para masuportahan ang ating mga rescuers, responders, at mga naapektuhang pamilya,” wika ng punonglungsod.

Nagpapasalamat ang Angeles LGU sa mga nagbigay ng water assistance kabilang ang JDN, Balibago Waterworks, Clark Water Corp., LIAP District A2B, at Systems Plus College Foundation. Nagbigay naman ng sandwiches ang Jollibee-Clark Maingate at si Engr. Ken Flores para sa mga responders na nasa ground operations.

Kabilang din sa mga nagbigay ng food assistance ang Philippine Institute of Civil Engineers, Melebifh Villareal, Royal Harikawa, Ar. Ricky Sangil at ang Immaculate Concepcion Parish Church sa pangunguna ni Among Alvin Manalang para sa tuloy-tuloy na suporta sa mga responders at volunteers.

Kabilang din sa mga nagbigay ng suporta ang Soliman E.C para sa portable toilets; Engr. Roland B. Sanchez para sa provision ng structural assessment; at Ryan Canlas para sa provision ng small at big backhoe na ginagamit sa operasyon.

Taos-puso ring nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan kay Vice Gov. Dennis “Delta” Pineda na mula pa noong unang araw ng operasyon ay patuloy nang nagbibigay ng suporta kabilang ang provision ng crane at dump trucks upang makatulong sa rescue and clearing operations.

Nagpapasalamat din ang Angeles LGU sa suporta ng iba’t ibang local government units mula sa Pampanga, Olongapo, Pasig, at Porac at national agencies kabilang ang Department of Public Works and Highways, Metro Manila Development Authority, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at Philippine Red Cross na nagpadala ng rescue at medical team at responders upang tumulong sa operasyon at sa pagbibigay ng suporta sa mga biktima at kanilang mga pamilya. Saludo po kami sa lahat ng rescuers na patuloy na nagseserbisyo nang may tapang, malasakit, at dedikasyon.

Nagpapasalamat din ang lokal na pamahalaan sa Iglesia Ni Cristo Pampanga West sa kanilang panalangin at pakikiisa para sa kaligtasan ng mga naapektuhan, responders, at lahat ng involved sa nagpapatuloy na operasyon.

Sa gitna ng pagsubok na ito, patuloy na pinapakita ng bawat isa ang diwa ng bayanihan, malasakit, at pagkakaisa para sa kapwa.

Hinihikayat din ni Mayor Jon Lazatin ang lahat ng Angeleños na ipagpatuloy ang panalangin, suporta, at pakikiisa para sa kaligtasan ng lahat ng naapektuhan, gayundin para sa ating mga rescuers at responders na patuloy na nagsasagawa ng operasyon araw at gabi.

Patuloy na umaasa ang lokal na pamahalaan sa pagkakaisa ng komunidad habang nagpapatuloy ang search and rescue operation. Angeles CIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here