Sa utos ni Derek Ramsay???
    Baron Geisler sinibak sa Kidlat

    286
    0
    SHARE

    Late nakarating si Derek Ramsay sa thanksgiving party for the press ng JLD Talent Management ni Joji Dingcong last Tuesday, kung saan ay isa sa talents ang aktor.

    Galing pa raw kasi siya sa Boracay dahil lumaban ang team nila sa frisbee competition.

    Akala ba namin ay ayaw na niyang mag-frisbee?

    “Oo, last ko na ’yan,” natatawa niyang sabi at tila ayaw maniwala ng entertainment press.

    “Oo nga, hindi nga ako affected na second place kami. Pero natuwa ako na kaya ko pa rin (maglaro), pero wala na rin ’yung excitement, eh. I guess when you’ve done it so long, nakakapagod na rin.

    “And I guess, kaya wala na rin ’yung excitement dahil hindi ko napaghandaan ng 200 percent. Nakakatuwa lang na second place pa rin kami.”

    Sa ngayon daw kasi ay hindi na rin niya kayang ibigay ang full dedication niya sa frisbee dahil sobrang busy nga siya sa taping ng Kidlat fantaserye niya sa TV5.

    Natutuwa nga niyang ibinalita na na-extend pa ang serye from 12 to 16 weeks kaya medyo matatagalan pa ito since nasa eighth week pa lang sila of airing.

    At this point, hindi maiwasang maitanong kay Derek ang tungkol sa co-star niya sa Kidlat na si Baron Geisler na recently ay nakagawa na naman ng iskandalo sa taping kung saan ay nakasagutan daw nito ang isa sa cast.

    Dahil dito ay may tsismis na lumabas na pinatatanggal na ni Derek si Baron at ito ang nilinaw ng hunk actor.

    “I wanna clear that out. You know, I’ve always defended Baron, I’ve tried to guide him. But he’s a grown man.

    And he’s making mistakes after another and he admits to that.

    “And walang suntukan na naganap, walang away. Siguro, kaunting taasan ng boses pero walang away.

    Pinagsabihan ko lang siya na mali ang ginagawa niya.

    “I even spoke to Direk Mike Tuviera that night and you can ask Direk Mike. Sabi ko, ‘Direk Mike, kung gusto n’yo pa ring kunan ang eksena right now, kunan natin.’

    Asked kung ano ang nag-cause ng heated argument, kuwento ni Derek, “Ah, he was upsetting one of the cast, and nakakaistorbo sa set, so, I told him that what he is doing is not right. Yes, I did raise my voice but I didn’t disrespect him, I didn’t throw any punches, I didn’t do anything like that. I just made him feel that I was disappointed.”

    How about the other member of the cast?

    “In fairness to the other member of the cast, walang ginawang mali ang taong ’yun,” say ni Derek.

    Ayon pa sa Kidlat star ay nag-apologize naman sa kanya si Baron.

    “Two tapings after (the incident) yata, nagkita kami sa set. Nakatalikod ako and lumapit siya, tapos. Eksena na kami. Yes, nag-sorry siya through text and in person.

    “He gave me the decency of apologizing but I also told him, apologizing isn’t enough. Madali lang magsalita, gawin mo na lang. Hindi mo rin kailangang sabihin sa akin na paulit-ulit na gagawin mo, gawin mo na lang.”

    ’Yung pagpapatanggal ng isang artista ay isang bagay na hindi raw niya gagawin. And so far, nasa serye pa si Baron.

    “That’s up to the bosses. When issues like these came up, I defended Baron ’coz I do believe in his talent but you know, he’s been given many chances and that’s up to the bosses.”

    Gayunpaman, ayon sa aktor, talagang napakahirap ng pinagdadaanan ni Baron at sinusubok naman daw talaga nitong magbago.

    “But like I said, he’s a grown man, we can’t baby him. When he makes mistakes, we let him know that he makes mistakes, we don’t save him from his mistakes, he’s got to learn and kung tanggalin siya sa show, it’s not because ayaw namin siyang makasundo, it’s to teach him a lesson that you can’t continuously go back and repeat the same mistakes,” pahayag pa ni Derek.

    Samantala, aside from Derek, present din sa JLD thanksgiving presscon ang iba pang talents ni Joji tulad nina Matteo Guidicelli, Bianca Manalo, Paolo Ballesteros, John James Uy, Edward Mendez, Alexander Diaz, Raymon Yap, Cristalle Belo, Anton del Rosario, Chaye Cabal Revilla at Carl Lopez.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here