Home Headlines Pilot rollout ng DENR Express Permitting on Wheels isinagawa sa Bulacan

Pilot rollout ng DENR Express Permitting on Wheels isinagawa sa Bulacan

179
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pilot rollout ng Express Permitting on Wheels nito sa bayan ng Marilao sa Bulacan.

Katuwang ang Environmental Management Bureau at Mines and Geosciences Bureau, inihatid nito ang iba’t ibang frontline services ng ahensiya sa mga residente, negosyante, at project proponents upang hindi na kinakailangang magtungo pa sa kani-kanilang mga tanggapan.

Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel Cuna, ang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapabilis ang pagpoproseso ng transaksyon at mabawasan ang gastusin at oras ng aplikante, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan.

“Ipinapakita ng programang ito ang mas episyenteng paraan ng paghahatid ng serbisyo kung saan ang pamahalaan na mismo ang lumalapit sa mga mamamayan sa halip na sila ang nagpupunta sa mga tanggapan,” ani Cuna.

Isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources ang pilot rollout ng Express Permitting on Wheels nito sa bayan ng Marilao sa Bulacan upang ilapit ang iba’t ibang frontline services ng ahensiya sa mga residente, negosyante, at project proponents. (DENR Region 3)

Isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources ang pilot rollout ng Express Permitting on Wheels nito sa bayan ng Marilao sa Bulacan upang ilapit ang iba’t ibang frontline services ng ahensiya sa mga residente, negosyante, at project proponents. (DENR Region 3)

Sa isinagawang Express Permitting on Wheels sa Marilao, naiproseso ang iba’t ibang aplikasyon para sa permit at sertipikasyon, at naibigay ang kinakailangan teknikal na gabay hinggil sa environmental compliance, usaping panglupa, at geoscience information.

Sinabi naman ni DENR Regional Executive Director Ralph Pablo na ipinapakita nito ang patuloy na pagsisikap ng kanilang ahensiya na gawing mas episyente, mas madaling maunawaan, at mas tumutugon sa pangangailangan ng publiko ang mga serbisyong pangkalikasan.

Tampok sa rollout ang mga talakayan hinggil sa batas pangkalikasan at system walkthrough upang higit na maunawaan ng publiko ang mga proseso sa pagkuha ng mga permits at compliance requirements.

Bilang bahagi ng adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan, namahagi rin ang ahensiya ng 1,000 punla sa mahigit kumulang na 160 na residente. (CLJD/VFC, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here