Pulis Olongapo dapat isasilalim sa gun safety seminar

    324
    0
    SHARE

    Dapat laging ilagay sa isip ng bawat awtoridad ang tatlong mahahalagang alituntunin kung paano humawak ng baril naka-uniform o naka sibilyan.

    Tulad na lamang ang nangyaring insidente sa loob mismo ng Camp Manuel F. Cabal, Barangay Barretto, Olongapo City na mismong pulis din ang nakapatay sa kapwa nito pulis ng tamaan ng bala ng kalibre 38 paltik na baril sa dibdib ang biktimang si PO1 Rogene Estrada na noon ay naka-duty sa gate ng mga araw na iyon ng maganap ang insidente. (May 27, 2013)

    Akalain mong paglaruan ni PO1 Alexander Quiming ang baril sa harapan ng kapwa nito pulis hanggang sa pumutok ito at tamaan ang biktimang si PO1 Estrada.

    Pag mamalasin ka nga naman. Hindi naman kasi laruan ang baril.

    Ito na ang PINAKA-malalang  insidente ng accidental discharge sa loob ng kampo, ang ilan dito ay hindi lang nabibigyan ng pansin ng mga namumuno dito kung paano disiplinahin ang mga nagkakasalang mga pulis , yan tuloy nagiging abusado at wala sa lugar.

    Batay sa obserbasyon ng CASTIGADOR malimit na may pulis na mahilig magpakitaan ng kanilang baril, sa madaling salita, payabangan ika nga, lalo na kung bago. Tanong may licensya ba yan?

    Ang nakapagtataka, SUSPENDIDO si PO1 Quiming, bakit hinahayaan ng kapwa nito pulis na makapagdala ng baril at hindi pa ito lisencydo at nasa ilalim pa tayo ng Comelec Gun Ban.

    Parang gusto ko na tuloy maniwala na karamihan sa mga loose firearms ay nasa ating kapulisan at wala sa mga sibilyan, kasi po pag pulis ka walang sisita sa iyo?

    Tama ba o mali? Lalo pa at alam nilang pulis ka, malay ng tao kung may lisencya ang baril na dala mo, gaya ng ginawa ni PO1 Quiming sa harapan pa mismo ng kapwa nito pulis nagmayabang.

    Tanong ng taumbayan, parehong pulis ang involved, sino kaya ang kakampihan ng pulis, yung bang patay o nakamatay?

    Ano na ang ginagawa ng Olongapo PNP sa tumakas na suspek?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here