Piolo Pascual umamin nang girlfriend na si KC Concepcion

    305
    0
    SHARE
    Sa The Buzz last Sunday, inamin ni Piolo Pascual na magdyowa na sila ni KC Concepcion noon pang October 21 last  year.

    Walang kagatul-gatol na “Yes” ang sagot ni Piolo sa tanong ni Charlene Gonzales kung sila na nga ni KC.

    Say pa ng aktor, eight years siyang walang karelasyon at ngayon lang muling naka-girlfriend.

    Sa tanong ni Charlene kung si KC na ba ang babaing gusto niyang makasama habambuhay, aniya: “Siyempre! For the first time in so many years, more than eight years, I’m getting into a relationship, a commitment, and I plan to keep it.

    “Siguro hindi naman ako aamin o hindi ako magte-take ng risk kung sa tingin ko hindi ko siya gustong makasama habambuhay.”

    Mensahe niya sa mga lalaking gusto pang manligaw kay KC, “she’s taken.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here