Samal, Bataan: Ang Petron Gas Station sa bayang ito ay patuloy na nagsisilbi sa kanyang mga customer na pinapayagan na magpakarga ng krudo o gasolina ng full tank ngunit pansamantalang ipinagbabawal muna ang pagkarga sa gallon, container o drum.
Sinabi ni gas attendant Vinzon Giray na limitado na muna sa full tank mapa-tricycle, truck o kotse ang sinisilbihan nila. “May limit na muna. Tangke sa tangke lang o full tank muna ang pwede.”
Inaasahan din, ani Giray, na magtataas ng presyo ng produktong petrolyo bukas, Martes, ngunit hindi pa nila alam kung magkano.
Ang kasalukuyang presyo bawat litro ay P131.75 sa diesel; P95.60 sa XCS gasoline at P93.60 sa Extra gasoline. (30)



