Paupahan bags 10 nomination from 25th Star Awards for Movies

    63
    0
    SHARE
    Personally, labis naming ikinatuwa na nakasampung nominasyon sa StarAwards ang pelikulang Papahan ng ATD Films. Paano naman kasi, kasama kami sa movie and no matter how small our role was in the movie, it made me, a ‘star’ in my own right. Hindi naman po ito ang first movie na nakasama kami ever, but I must say that it is the closest to my heart. Una, kababayan naming ang producer at lead actor nitong si Allen Dizon. May history naman kaming dalawa na at least in the last ten years or so na magkasama kami, naging symbiotic naman ito. Meaning, natulungan ko siya at ako naman ay nabigyan niya ng kahit mumunting trabaho ay puwdeng sabihing nagging makabuluhan sa aming buhay.

    Pangalawa, kaibigan namin si Dennis Evangelista, isang pagkakaibang nagging totoo na sa pagdaraan ng panahon, although we started bilang ‘orocan friends,’ in the end, pinatotohanan namin kapuwa na sa showbiz, posibleng maging tunay na magkaibigan talaga.

    So much for that, talaga naming maraming merito ang natruang movie at sa una pa lang naming panonood dito, alam naming maraming nominasyon itong makukuha sa mga award giving bodies.

    Nakababad kami sa shooting ng pelikulangito at talaga namang nabagbag kami sa maraming eksena mula sa pelikula. First time naming nakitang nagdrama si Kuya Germs at talaga namang he deserves the nomination accorded to him. Ganoon din si Gloria Romeo na napaka-offbeat ng role. Dapat siyang manalo bilang Best Suppoprting Actress in this movie. She gave her best kaya karapat-datap lang na pahalagahan nila yun.

    And of course, we are happy both for Dennis Evangelista and Allen Dizon na parehong nagtamo ng mga nominasyon, si dennis, sa writing category, at si Allen naman bilang Best Actor.

    “Sobra-sobra na yung binigay nila, kahit na hindi na kami manalo, tama na itong bigyan nila ng halaga ang aming munting pelikula,” lahad pa sa amin ni Dennis E.

    And of course, we also like to commend Jan Nieto dahil yung awiting Sangandaan na siyang theme song ng Paupahan ay nominado rin. Jan interpreted the song at dapat talagang kasali siya sa accolade na bigay ng nominasyon.

    Kung may ipinanalangin kaming sanay manalo para sa Paupahan, ito ay ang theme song sung by Jan Nieto. Nagmarka ito sa kanya bilang signature song kaya malaki ang puwedeng itulong nito sa kanyang career bilang singer.

    Hindi ba, Doc Ethelyn?

    By the way, gaganapin ang 25th Star Awards for Movies 2009.  Ipinagdiriwang ang Silver Anniversary ng taunang parangal na ito, para sa natatanging achievements sa local filmmaking, na itinataguyod ng samahan ng mga mamamahayag pang-aliwan, ang Philippine Movie Press Club o ang PMPC (sa pamumuno ni Roldan F. Castro, Pangulo ng samahan). Ang 25th Star Awards for Movies 2009 ay gaganapin sa Huwebes, Mayo 28, 2009; magsisimula ang programa sa ganap na ika-7 ng gabi, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University (ADMU), Loyola Heights, Quezon City.

    Ang TV airing ay mapapanood sa Mayo 31, 2009, ganap na ika-10:30 ng gabi.  Isasahimpapawid ito ng ABS-CBN-2.

    Ang 25th Star Awards for Movies ay mula sa produksiyon ng FLT Productions, Inc. nina Mrs. Rose “Mommy Rose” Flaminiano at (co-producer) Ms. Christina Kitts.

    Bukod sa mga regular nomination, bibigyang parangal din ng PMPC si Ms. Vilma Santos sa kanilang Ulirang Artsita Lifetime Achievement Awart.

    Ipinagkakaloob naman sa mga animated films na Dayo at Urduja ang Award For Cinematic Excellence in Filipino Animation.

    At para makumpleto ang mga karangalang ipamimigay ng Star Awards, may special citation ang pelikulang Himala ni Nora Aunor. Ito ay ang Singular Accolade given to a Filipino classic film.   
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here