Mariel Rodriguez ‘di raw kayang pagtaksilan ni Zanjoe Marudo

    74
    0
    SHARE
    Labis na ikanalulungkot ni Mariel Rodriguez ang pagwawalay nila ng boyfriend na si Zanjoe Marudo. Nasa Paris nga kasi ngayon si Zanjoe para sa shooting ng Piolo-KC Pascual movie. Mahalaga’ng role ni Zanjoe kung kaya kailangan niyang sumama sa grupo sa Paris. Tatlong linggong mawawala sa Pilipinas ang binata kung kaya tatlong linggo ring magmumukmok si Mariel.

    “Oo nga, “malungkot sa sabi ni Mariel. “Ito ang unang pagkakataong ngakahiwalay kami kaya talagang di ko mapiglang umiyak. Napakatagal ng tatlong linggo pero talgang wala akong magagawa,” sey pa niya.

    Pero kahit daw nami-miss niya si Zanjoe, masaya rin naman ito para sa sinapit ng career ng BF. “Masuwerte siya, di niya inakalang masasali siya sa movie. Sa isang banda, puwede kong nang ikasaya na ang ganda talaga ng career niya,” ngayon ay nakangiting kuwento na ni Mariel.

    “Kahit ako, I love to go to Paris. Ito po yung lugar na matagal ko nang pinangarap marating. Masuwerte talaga si Zanjoe.”

    Sana nga raw ay magkasama sila roon. Paris is a very romantic city. Mas lalong nalapuha si Mariel dahil yung unang message daw sa kanya ni Zanjoe ay may pahiwatig na higit siyang mag-e-enjoy sa Paris kung naroon sana si Mariel.

    “And the more I cried because of that. He texted me saying his stay in Paris would’ve been more exciting, memorable and meaningful had I been with him.”

    Wala raw agam-agam si Mariel na maghahanap ng ibang babae sa Paris si Zanjoe. Sigurado raw siya sa katapatan ng boyfriend kaya  kahit na nalulungkot, kampante lang siya.  “That would be the last he would do. Alam niyang mahal na mahal ko siya kaya hindi talaga niya magagawang lokohin ako.”


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here