Home Opinion Patuloy na pagbakuna,may kakaibang banta

Patuloy na pagbakuna,
may kakaibang banta

400
0
SHARE

KUNG sa kabila ng ‘massive vaccination,’
na anhin na lamang ng Administrasyon
ay magpabakuna tayo at ‘SANA ALL’
magpaturok na ay marami ang ayaw.

Dahilan na rin sa kahit naturukan
na nga ang marami patuloy pa rin d’yan
ang paglobo nitong mga namamatay
kaysa nang wala pa r’yang nabakunahan.

Kaya nga’t hinala ng nakararami,
di malayong imbes sa ‘tin makabuti
itong ‘SANA ALL’ ay maikayat pati
na rin tayo –  SANA HUWAG  hangga’t maaari.

Sapagkat anhin mang suriing mataman
itong nangyayari sa kasalukuyan,
na kung saan imbes ay maproteksyonan
tayo n’yan sa ‘virus’ ay kabaligtaran.

Ang nakababatang kapatid ni misis,
na matipuno pa at ang tanging hilig
magbarbel at walang iniindang sakit,
binakunahan siya ng araw ng Lunes;

Umaga ng Mierkoles ay namatay ito
kaya ang dami ng kabarangay nito
ang ngayon ayaw nang pabakuna rito
sanhi ng sumunod pang namatay dito.

Kaya nga sa oras na mabasa ng lahat
Ng aming ‘readers’ aking inihayag
Dalangin kong sana hangga’t maari huwag
Tayong magpaturok nang di mapahamak.

Pagkat kaysa umigi ang lagay nitong
nabakunahan ay higit ang peligrong
kinakaharap d’yan sakali’t totoong
ang hinala nating ya’y ‘depopulation’

Kung bakit naisip ko ang bagay na ito
ay sanhi ng aking napakinggann mismo
sa isang ‘blogger’ na ikinwento nito
ang puedeng mangyari, sakali’t totoo.

At nang dahil na rin sa naobserbahan
nating mabuti ang bagay na naturan,
kung saan lumobo ng husto ang bilang
ng nasasawi ay baka nga sanhi r’yan;

Ng mga bakunang kusang minadali
ang pagkagawa’t di sinuring maigi,
ang resulta nito sa ayaw at hindi
natin ang matigok halos kalahati.

Yan ay kung patuloy itong walang habas
na pagbabakuna r’yan na iniatas
ni Digong sa ating ‘health workers’ at lahat
na ng sa DOH ay nagpapalakad.

Kung bale walain n’yan na mas marami
itong sa bakuna namamatay ‘daily,’
kaysa ‘Covid-19, Delta variant’ pati
na sa ibang sakit na lubhang matindi.

Kaya nga’t kapagka hindi pinatigil
ng DOH o ng Presidente natin
ang kautusan niyang lahat bakunahin
bukas, sa kangkungan tayo pupulutin!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here