Pamilya ni Pidol watak-watak na

    323
    0
    SHARE

    NAGKANYA-KANYA raw ang Quizon clan nu’ng nakaraang Pasko ayon kay Dos (Boy2) Quizon nang maka-dinner namin last Saturday. First time nga namang hindi nila kasama ang lolo Dolphy niya kaya ramdam ng lahat ang pagkawala  nu’ng holidays.

    Ayon kay Dos, noche buena sila madalas mag-sama-sama sa isang five-star hotel. ’Yun ang pina-kamahalagang araw sa pamilya dahil ordinaryong araw para sa lahat ang December 25.

    Kung si Zsa Zsa Padilla ay sa Japan pinaraos ang unang Pasko’t Bagong Taon na wala si Dolphy, nasa Amerika naman daw si Eric Quizon kasama ang kanyang mother.

    “Pero ang father ko, iyak nang iyak nu’ng Christmas. Siyempre, first Christmas na wala si lolo kaya naramdaman nila ang talagang absence niya,” sabi sa amin ni Dos.

    Sa parte naman ni Dos, gusto niya uling gumawa ng soap dahil nabitin siya sa ginawa niyang The Coffee Prince.

    Habang naghihintay, tinatapos niya ang indie movie na Coming Soon kung saan kasama niya sina Andi Eigenmann at Glaiza de Castro. Ang gag special naman niyang Prankista ay magkakaroon ng sequel sa February dahil nagustuhan ito ng GMA.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here