Negosyante, nalunod

    362
    0
    SHARE

    SUBIC, ZAMBALES – Patay ang isang negosyante makaraan itong malunod nang tumalon ito sa kanyang sinasakyang yate sa may Sampaloc Cove, Sitio Sampaloc, Barangay Cawag ng bayang ito.

    Kinilala ni Senior Inspector Jelson Dayupay ang biktimang si Jerome Tan, 47, residente  ng Pasig City.

    Sa imbestigasyon ng pulisya sakay ng  My Bee Uagoon Yacht ang biktima kasama ang isa pang negosyante na si Michael Bautista, 41,  residente ng No. 6745 Ayala Avenue, Makati City patungong Sampaloc Cove at bago pa man makarating sa pampang ay tumalon ang biktima at hindi na ito nakarating sa pampang.

    Sinikap na sagipin ng boat captain ng yate at crew nito ang biktima at kaagad na isinugod sa Subic Bay Point Hospital sa SBMA, Olongapo City, subalit ideneklara na itong patay ni Dr. Ma. Pamela Averilla dahil sa cardio pulmonary arrest at hypoxia secondary to aspiration of fresh water.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here