Nawalang singsing ni Anne Curtis babayaran ng airline

    248
    0
    SHARE
    Update sa nawalang singsing ni Anne Curtis sa eroplano ng Cathay Pacific Airlines last Monday night, pumayag na ang airlines na i-compensate ang halaga ng ring at nalulungkot din daw ang management sa nangyari.

    “At least, iko-compensate naman nila. Of course, hindi na mababalik ’yung ring, kasi nawala na, pero okay naman sa akin na iko-compensate nila,” sey ni Anne nang makausap namin sa presscon ng Who’s That Girl movie nila ni Luis Manzano under Viva Films.

    Matatandaang nawala ang David Yurman amethyst ring ni Anne worth $600 paglapag ng eroplano sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport). Galing ang young actress that time mula sa taping ng Green Rose sa Korea.

    Ang naturang singsing ay binili niya sa Duty Free ng Hong Kong airport since nag-stop-over ang grupo ng Green Rose sa nasabing bansa pabalik ng Pinas.

    Sa airplane pabalik ng ’Pinas ay inilagay niya ang paper bag na naglalaman ng David Yurman ring sa footrest. Nang lumapag ang plane ay nakalimutan niya itong kunin at naaalala niya nang nasa baba na siya sa immigration.

    “So, nang maalala ko, tumakbo na agad ako pabalik ng plane, wala pang nakakasakay sa plane, wala na du’n ‘yung bag. And then after an hour, na super nag-iiyak na ako, nahanap ng cleaner ’yung bag in a blanket compartment, wala na ’yung box. After mga 15 minutes, nahanap ‘yung box sa kabilang compartment naman ng eroplano, wala na ‘yung ring. So, in-ano (ninakaw) talaga,” kuwento ni Anne.

    Pati raw mismo ang management ng Cathay Pacific ay nalulungkot din sa nangyari at hindi rin inaasahang mangyayari iyon kaya naman willing naman daw ang mga ito na ibalik ang halaga ng ring.

    Iniyakan ni Anne ang ring pero naka-move-on na raw siya ngayon at hindi na rin siya magpa-file ng case ince nakipag-settle naman ang Cathay Pacific.

    Samantala, sa ibang mga issue, masaya naman si Anne dahil sunud-sunod ang blessings niya ngayon. Showing na sa March 2 ang Who’s That Girl mula sa direksyon ni Wenn Deramas, malapit na ring iere ang malaking teleserye nila ni Jericho Rosale na Green Rose at may daily noontime show siya na Showtime.

    Bukod dito ay sunud-sunod din ang endorsement niya. Ang ganda nga ng umeere ngayong TVC niya na Palmolive Soap, may GSM Blue pa siya at katatapos lang niyang pumirma sa SM Development Corporation bilang bagong endorser (pinalitan niya si Marian Rivera).

    Still on Anne, natanong din sa young actress ang tungkol sa halikan issue nina Luis at younger sisterniyang si Jasmine Curtis at ang nasambit lang niya, “disgusting and revolving”.

    Actually, marami naman talaga ang naloka sa issue na nakita silang naghahalikan at marami rin ang hindi naniniwala.

    “Sabi ko, napaka-malicious minded naman (ng mga nagkalat). Sabi ko kay Jasmine, welcome to showbusiness, my darling. Sabi ko, it’s expected, and this is only the beginning.

    “Sabi niya, ‘ate ba’t ganu’n? Kuya ko ’yun, e’. Sabi ko, ‘I know, darling pero ganu’n talaga, welcome to showbusiness’. And I told her, hindi pa ’yan ang mga (mararanasan mong) mga attack, sabi ko, darating ka rin diyan. But I have so much faith in her, kasi she’s only 16 and when you’re that innocent, wala kang makukuhang bad, wala talaga. “So, I don’t have any worries. Nakakainis lang na parang maiintindihan ko pa kung kami ang natsismis, pero ’yung bagets, nakakaloka,” sey ni Anne.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here