Home Headlines Nasakote: No.1 Most Wanted sa pagpatay, pag-carnap

Nasakote: No.1 Most Wanted sa pagpatay, pag-carnap

977
0
SHARE

Detenido ngayon sa Bulacan-HPG ang Most Wantedng lalawigan. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLO
 — Naaresto nitong Martes ang ranked No.1 sa Top 10 Most Wanted Person sa Bulacan na suspek sa pag-agaw ng motorsiklo at pagpatay sa isang babae noong 2019.

Sa bisa ng warrant of arrest ay naaresto ang suspek na si Cathemar Lopez, 30, residente ng Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa ulat, namataan ng mga otoridad ang target na si Lopez sa Barangay Sauyo at agad ngang inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Bulacan RTC-Branch 12.

Sinasabing si Lopez ay pangunahing suspek sa pagpatay sa biktimang si Madeline Victoria De Guzman, 30, na natagpuang naagnas na ang bangkay sa Barangay Sabang, Baliuag, Bulacan noong November 2019.

Naunang naaresto noon ang isa sa mga suspect na si Mark Alvin Diaz na naaktuhang minamaneho ang motorsiklo ng biktima at malaunan ay itinuro nito na ang mastermind ng krimen na si Lopez.

Depensa naman ni Lopez  kasama lamang siya sa pagplano na agawin ang motor ng biktima ngunit laking gulat niya na makalipas ang dalawang araw ay isinagawa na ng kaniyang kasamahan ang krimen.

Si Lopez ay nasa kustodiya ngayon ng Bulacan Highway Patrol Group at ihaharap sa korte na nag-issue ng warrant of arrest laban sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here