Home Headlines Motorsiklo sumalpok sa truck at pick-up, rider patay

Motorsiklo sumalpok sa truck at pick-up, rider patay

201
0
SHARE

ORION, Bataan — Patay ang rider nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa dalawang nakaparadang sasakyan Miyerkules ng hapon sa bahagi ng basang Roman Highway dito dahil sa paminsan-minsang mahinang pag-ulan.

Ayon kay Major Jeffrey S. Onde, Orion police chief, idineklarang dead on arrival sa St. Michael Hospital dito ang rider na si Eduardo Reyes, 53, ng Sto. Tomas, Pampanga.

Sinabi ni Onde na tumatakbo ang motorsiklo sa direksiyon papuntang Pampanga mula Mariveles, Bataan nang pagdating sa Barangay Bilolo sa Orion ay lumipat ito sa outer lane kung saan bumangga ito sa nakaparadang six-wheeler truck at pick-up.

Sa lakas ng pagbangga, nagtamo ng grabeng sugat sa ulo at katawan ang biktima na tumailapon sa kalsada.

Agad sumaklolo ang mga kasapi ng Orion police, rescue, mga barangay tanod at Metro Bataan Development Authority at pinilit ngunit hindi nagtagumpay na masagip ang biktima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here