Mama’s boy

    436
    0
    SHARE

    STICK pa rin ako sa notebook, kahit ako ay may Macbook Air o Ipad.

    (Kuwaderno pa rin ba ang tawag ng iba riyan?) Mas personal kasi ang pakiramdam kapag sulat-kamay ang pagtatala ng mga kaganapan, datos, obserbasyon, pangalan at posisyon ng mga taong nakakasalamuha, at kung anu-ano pang nasasagap, nahahagilap at naeengkwentro ko bilang journalist.

    Hindi ko alam kung kenetic ang dahilan o dala lamang nang nakagawian na.

    Basta, masarap magsulat sa notebook. At gamit ang Parker ballpen (isang hilig na turo ng batikang peryodista na si Ding Cervantes ng Philippine Star). Kaya “Notebook” ang pangalan ng kolum na ito.

    Maraming salamat kay Dr. Leo Lazatin, publisher ng Punto Central Luzon. Pangako, isi-share ko ang laman ng aking journalist’s notebooks—cultural, political atbp.

    Pero hindi ho kasama ang mga remarks na off-the-record, not attributable at for background lang. Patay tayo riyan pag kumalat. Ha!Ha!Ha! Maraming nenerbyusin!

    q q q

    Pambihira ang nakaraang Biyernes, Hulyo 20.

    Sa Events 3 ng SM City Pampanga, binuksan nina Ruston Banal at Bruno Tiotuico ang kanilang photo exhibit na “Tastes, Tints & Textures.” Ang rating ko: Must visit. Pinapakita kasi ng mga photos na maging ang mga everyday scenes sa Pampanga ay maganda.

    Para ka na ring naglakbay all over Pampanga dahil tampok ang mga larawan na kuha sa 19 na bayan at 3 lungsod (ang pinakabago ay Mabalacat). Which makes this the first assembly of photos of Pampanga.

    Now you know when to travel next. Pinatotohanan ni Ruston at Bruno ang DOT slogan na “It’s more fun in the Philippines!” Big push ito sa tourism ng Pampanga.

    Dalawang Ed ang nagbigay ng panahon sa photo exhibit: Si Angeles City Mayor Edgardo “Edpam” Pamintuan at Floridablanca Mayor Eduardo “Ed” Guerrero.

    Sa Norte si Edpam, sa Kanluran si Ed. Dahil magkalapit ang dalawang lugar (Porac lang ang pagitan nila), tourists can enjoy the urban getaways in Angeles City and the mountain treats in Floridablanca.

    Hanggang July 31 ang exhibit kaya pasyal na!

    Sa Heroes Hall naman, nagdaos ng libreng concert ang bagong tatag na Performing Arts Council sa City of San Fernando. Parang getting-out party ito ng mga local artists, sabi ni Irwin Nucum, chair ng council.

    Kabilang sa nag-perform ang Sinukwan Performers, The Music Studio, OK Musica, Aren Music Studio, Aslag Kapampangan Company, Magsilbi Tamu Brass Band 919, SB Musica, Pampanga High School Dance Troup, KTube, Pampanga High School Choir, Teatro Fernardino at City Choir. Aba, namumutaktak talaga ng talents ang premier city ng Central Luzon.

    At kahit pa nilalagnat, go si Mayor Oca Rodriguez para magpakita ng suporta. “I am amazed. Kapampangans are really a talented lot,” sabi niya.

    Sa gabi naman, sa Kalinangan Telabastagan, musical concert din idinaos ng Save the Trees Coalition (STC) kasama ang Kapampangan Manalaran at Musikerong Kapampangan. “Let’s Nurture Nature for the Future” ang tema para iligtas ang 576 trees na nakatayo sa San Fernando-side ng MacArthur Highway.

    “Hindi pa ba sapat ang mga flashfloods para makumbinse ang DPWH at DENR na huwag nang putulin ang mga puno?” tanong ng nangungunang tree warrior, si Cecil Yumul.

    Ang mga tumugtog: Adiks Band, Bagong Tribo, Blitzkrieg, Grassroots, Luid MK, Marcos Cronies Conspiracy, Organiks, Phompet’s Band, Pulp Fiction, Ten Club, Tibuan, Toxic Twins at si Ysagani Ybarra.

    Cecil gives her thanks to Angie Hizon, Bing Zablan, Gintung Pakpak, Dr. Leonardo Manabat, Dr. Joy Velez Fernandez, Myrna Ong at 6 na anonymous donors na sumuporta sa concert na ikatlo nan g STC.

    q q q

    Ikaw ba ay gradweyt o kaibigan ng peyups? Pakisuportahan ang plano ng University of Philippines sa Clark na magtayo ng oblation.

    Ito ang paraan: Bumili kayo ng Oblation statuette. Ang bibili ay tatawaging “150 Pillars of the Oblation at UP Clark.” P10,000-P15,000 ang halaga ng statuette. For more info, go to www.theoblationproject.com/2012/07/150-pillare-offf-oblation-at-up-clark.html.

    q q q

    Kung si Maynard Lapid ay hahabol bilang bise-gobernador, ano naman ang maia-ambag niya sa Pampanga at sa pamamahala ni Gov. Lilia Pineda?  Hindi ko alam na nagpatakbo siya ng negosyo.

    Hindi rin naman siya mahusay na actor (binitbit pa ni Sen. Lito at Kuya Mark niya sa pelikulang “Tatlong Baraha”).

    Ang balita ko ay mama’s boy itong si Maynard. Kaya ba gusto niyang maging bise ni Nanay Baby?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here