Magsasaka binaril, inihulog sa balon

    87
    0
    SHARE

    MASINLOC, Zambales – Patay na nang matagpuan ang isang magsasaka sa Pinandakpan, Barangay San Lorenzo sa bayang ito.

    Kinilala ni Senior Insp. Pancho Doble ang biktimang si Virgilio Alferes, 49, residente ng Barangay Bambam ng nasabing bayan.

    Sa ulat ng pulisya isang nagngangalang Felipe Colorado ang nakakita sa biktima na lumulutang sa loob ng balon nang mag-igib ito ng tubig para magdilig ng halaman.

    Nang iaahon ng mga imbestigador ang biktima ay nakitang may siyam na tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang katawan na hinihinalang mula sa 12-gauge shotgun.

    Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at ang pagkakakilanlan sa mga salarin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here