Home Opinion Lokal eleksyon,posibleng iurong?

Lokal eleksyon,
posibleng iurong?

730
0
SHARE

MAY posibilidad na itong nasyonal
at lokal eleksyon di gawin nang sabay;
kung saan ang una o itong pambansang
alalan ang tuloy – at ‘NoEl’ ang lokal?

Sanhi ng maaring itong lokal nating
mga opisyales ay papahingahin
muna sa kanilang hawak na tungkulin
upang bigyang daan ang ‘federalism’.

At mabago muna ang pamahalaang
lokal, na ngayon ay pinamumugaran
ng mga corrupt at dorobo sa kaban
nitong  Inangbayan ang 60% percent n’yan.

At ‘yan sa paraang lahat aalisin
sa kani-kanilang hawak na tungkulin
ang mga naturang opisyales natin,
base sa repormang dapat tangkilikin.

Pero kung tunay ngang ganito ang balak
ng magagaling na ating mambabatas
o ng Malakanyang di kaya marapat,
na hangga’t maaga ito ay ihayag?

At huwag nang hintayin na magkagasta pa
itong ‘as early as these days’ nagsunog na
ng ‘millions of pesos’ ang mga makuwarta
upang maungusan ang kalaban nila.

Gayong sa Marso pa’ng alam na umpisa
ng ‘campaign period’ at ito ay bawal pa,
pero hayan mapa’bago at dati na
riyang mga ‘trapo,’ tuloy ang kampanya.

At itong Comelec, sa kabila riyan
ng mahigpit nitong ipinagbabawal
ang ganyang estilo, pero sa likod n’yan
‘Tong’ ang pang-takip sa dapat ipairal.

Suma total halos lahat ng ahensya
ng gobyerno natin pinamahayan na
r’yan ng dorobo at mga Ali Baba,
kaya tama lang na mapalitan sila.

Sa pamamagitan ng isinusulong
na ‘federal system’ ng ating pangulong
Duterte ‘during his campaign sorties’ noon,
pero nang maupo, naging ningas kugon.

Yan ngayon ang siyang kumbaga’y nagising
sa kaibuturan ng puso’t damdamin
ni Digong kung kaya anong malay natin,
na baka magbago ang lumang tugtugin.

At ngayong pababa na siya sa puwesto,
sumagi sa isip ang Pederalismo,
na siyang epektibong pananggalang nito
laban sa kagalit niya sa gobyerno.

Partikular na riyan ang grupong Dilawan,
at iba pang naging lihim na kaaway
ni Digong sanhi ng kung sila’y hatawan
ng sermon ay sagad buto kadalasan?

Kaya di malayong siya naman itong
kasuhan kapag di kakampi ni Digong
ang palaring maging susunod na Timon
nitong Pilipinas kapag nagkataon?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here