Home Opinion ‘Lacking in GMRC’

‘Lacking in GMRC’

448
0
SHARE

KUNG totoong kusang umatras talaga
si Trillanes sa away nila ni Sara,
ya’y pagpapatunay na ang ‘balls’ ng una
ay di pantay kaya posibleng takot siya.

Kung saan kunwari wala siyang sapat
na oras para lang siya makaiwas
kay Inday, gayong siya ang talagang dapat
sa kanilang ‘word-war’ magpakitang gilas.

(Pagkat siya itong kumbaga sa anak
ng tigre, kumanti, sa higit di hamak
na mabalasik at di basta masindak
ng alin mang uri ng hayop sa gubat).

Si Trillanes kasi mahilig manghamon,
at manduro maging sa kapwa niya solon,
pero ang estilo niyang asal maton
pang-golpe de gulat lamang ni senador.

Kita naman natin kung siya’y umasta
sa senado, ‘yan ay aakalain ba
natin na bahag ang buntot, naka-palda
kapag ang kaharap angkan ni Melchora?

Ilang kapwa nito mga mambabatas
ang dinuro na ni Trillanes sa harap
ng marami at walang kakurap-kurap
na hinamon nito ng ika nga’y babag?

Ito ay ‘yong medyo nakakaya niya
na sindakin, kundi man mapagpasensya,
pero sa kagaya r’yan ni Inday Sara,
tiklop ang tuhod ng ating kontrabida?

Kasi ito namang si Sonny Trillanes
ang kay Mayor Sara, na nananahimik
sa Davao, siya ang bale nag-painis
kaya’t itong isa nagliyab sa galit.

Iyan ay nag-ugat sa naging pahayag
ni Sonny, na upang si Digong ay tiyak
na di masampahan ng kasong ‘serious graft’
‘comes 2022,’ tatakbo ang anak;

Sa pagka-pangulo upang protektahan
ang ama, sa tambak na kasong kriminal,
na tiyakang isasampa ng kalaban
oras na bumaba ‘yan ng Malakanyang.

Nasabi tuloy r’yan ng butihing mayor
kay Sonny, na may ‘time’ itong magpa-prescon,
pero pagdating sa pagbigyan ang hamon
ng binubuska ay wala siyang panahon.

Tiniyak ni mayor na mahihirapan
si Trillanes na maibagsak n’yan
ang anumang bagay na may kinalaman
sa personal niyang hakbangin sa buhay.

Eh, bakit nga naman ang ating senador
ay wala na yatang alam gawin ngayon
kundi mang-asar at siya’y magkaroon
ng kababag sa lahat na ng panahon?

Mas makabubuti kay senyor Trillanes
ang sa isang tabi na lang manahimik,
kaysa sa ganyang naturingang ‘exective’
ang GMRC niya ay ‘below passing grade’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here