Kuya todas sa 16-anyos na bunso

    148
    0
    SHARE

    HAGONOY, Bulacan – Isang 24-anyos na lalaki sa bayang ito ang pinagsasaksak sa ibat-ibang parte ng katawan ng kanyang 16 anyos na kapatid kamakalawa ng madaling araw.

    Ang biktimang si Emer (hindi tunay na pangalan) ay nakatira sa Sitio Mababang Lupa, Barangay San Agustin sa bayang ito.

    Ang suspek sa pamamaslang ay ang bunsong kapatid ng biktima na pinangalanang Allan, 16 anyos, na kasakalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya.

    Ayon kay Almario, panganay na kapatid ng biktima at suspek, nagwala si Adriano noong hating gabi ng linggo dahil sa nakainom ng alak.

    Dahil dito, minabuti nina Almario at Allan na isama ang kanilang ina na si Lolita upang  iwan ang biktima sa kanilang tahanan.

    Ngunit bandang ala-una ng madaling araw kahapon ay muling nagwala si Emer dala ang isang kutsilyo at sinugod ang kanyang biyenan sa nasabi ring lugar.

    Tinangka pang pigilan ng inang si Lolita si Emer ngunit hinimatay ito.

    Habang nakahandusay ang ina ay dumating sina Allan at Almario at inakalang inatake ito sa puso dahil sa nerbiyos hatid ng pagwawala ni Adriano.

    Ngunit pinigilan sila ni Emer at habang nagtatalo ay dinampot ni Allan ang nahulog na kutsilyo at pinagsasaksak ang nakatatandang kapatid hanggang sa mamatay.

    Matapos ang insidente ay agad na tumakas si Allan at kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya, samantalang ang labi ni Emer ay kasalukuyang nakaburol sa kanilang bahay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here