1.
Mayroong ilang kawani ng ating pamahalaan
na tila ba nilalabag ang batas natin kung minsan ang dapat na ipatupad na ordinansa ng bayan hindi nila sinusunod dahil nag aalinlangan baka hindi tangkilikin nitong mga mamamayan kanilang kandidatura pag natuloy ang halalan
2.
Tulad na lang nitong curfew para sa menor de edad at mga pagala-gala sa kalye ng nakahubad ganoon din ang pag-inom ng alak na nakalantad sa tabi ng kalsada ay bakit di nila maawat? pagbi-videoke sa gabing hanggang alas 10 lang dapat hinahayaan lang nilang lumagpas sa takdang oras
3.
Mayrong mga barangay na ang ordinansang nabanggit hindi nila sinusunod ang dahilan di ko batid ang napupulaan tuloy ay mga hepe ng pulis na sarado raw ang tainga at ang mata’y nakapikit bakit kahit ni isa ay wala man lamang nadakip sa mga ordinansa na sa kanila’y hindi lingid
4.
Pati ang lagayan system sa ahensiya ng gobyerno hanggang ngayon ay talamak at di mapigilan ito basta mayroong padulas ay mabilis ang proseso kahit pa sa maseselan na uri ng dokumento tulad ng birth certificate na nanggaling sa NSO ang ganyang kalakaran ay alam na ng mga tao
5.
Sa kawani ng gobyerno marami ang mukhang pera kaya’t sila ay madalas masabit sa anomalya kahit alam ng labag sa batas ang gagawin nila basta’t mayrong pakinabang pursigido pa rin sila dahil dito kaya hindi umaayos ang sistema na kung paka-iisipin ay sila rin ang may sala
6
Kung ikaw ay mapanuri at magiging mapagmasid sa lahat ng kaganapang nangyayari sa paligid kung isa kang mamamayang may matinong pag-iisip sa iyong nakikita ay dadapuan ka inis lalo kung malalaman mo na may inarbor sa pulis ang kapitan sa gumawa ng hindi kanais-nais
7.
Ang ganitong siistema ng mga nasa katungkulan nagdudulot ng ligalig sa’ting mga mamamayan pagpapatupad ng batas dapat walang kikilingan ang lahat ng nagkasala ay dapat na parusahan kung nais na mapabuti at luminis ang lipunan ang batas ay ipatupad sa maayos na paraan



