Home Opinion ‘No Garage, No Car’ policy Sagot sa traffic na nakaririndi

‘No Garage, No Car’ policy Sagot sa traffic na nakaririndi

1968
0
SHARE

1.
May panukalang batas ng inihain noon pa man
sa kongresong hanggang ngayon ay di pa naabrubahan
ito ay hinggil sa mga walang garaheng sasakyan
na kung saan makikitang naka-park lang sa lansangan
kapag ito’y naging batas medyo magiging maalwan
itong daloy ng trapiko kahit saan pa mang lugar
2.
Marami ang tumututol sa inihahaing batas
pagkat ito’y “ANTI POOR” daw o kontra sa mahihirap
subalit kung ito ang siyang paraan at tanging lunas
dapat lang na maipasa upang kalsada’y lumuwag
No garage no car policy pag ito ay pinatupad
wala ka ng makikikitang sa lansangan ay naka-park
3.
Kapag ito’y naging batas ay wala ng makikita
na sasakyang araw-araw sa kalye’y nakaparada
sapagkat sa totoo lang sila’y nakakaabala
sa mga naglalakad at bumibiyaheng motorista
isa sa nagiging sanhi ng aksidente’t sakuna
ay sasakyang nakahimpil sa may gilid ng kalsada
4.
no garage no car policy ay sadyang napapanahon
dahil lalong dumarami ang sasakyan taun-taon
mga hulugang SUV ay usung-uso na ngayon
pati na electronic bike na de baterya ang motor
ang inihahaing batas sa traffic na usad pagong
marami ang nagsasabing isang mabisang solusyon
5.
Dahil kahit ang sasakyan luma man o kaya’y bago
kapag walang garahe ay hindi na mare-rehistro
isa sa mga requirements na hihingin ng LTO
ay ang katunayang mayroong “parking space” sa bahay mo
sobrang traffic sa kalsada ay malaki ang epekto
sa ating ekonomiya at kabuhayan ng tao
6.
Dahil sa sobrang traffic din ay dumami ang buwaya
na ang tanging hangad ay ang manghuli ng motorista
imbes ayusin traffic na sobrang nakakadismaya
ay pangongotong palagi ang kanilang inuuna
ang mga traffic enforcers di ba ang trabaho nila?
ay magmando ng traffic at sa lalabag ay manita
7.
Itong “no parking space act” kung sakaling maging batas
sa usad pagong na traffic maaaring maging lunas
ang malaking porsiyento ay maaring makabawas
sa maraming sasakyang sa kalsada ay bumabagtas
kapag itong panukala’y tuluyang naisabatas
maiibsan ang traffic sa ating bansang Pilipinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here