Itong sa ngayon ay animo’y Rigodon
na nangyayari sa bayan ng San Simon
kung sino talaga itong lehitimong
pumalit dapat sa suspendidong mayor?
Sa unang tingin ay ang ‘vice mayor elect’
base na rin mismo sa ating Comelec
pero nang dahil sa ito ay ‘suspended’
ding gaya ng mayor walang ‘lawful effect’.
Di gaya sa Senate, ang Speaker ang siyang
uupong pangulo riyan sa Malacaniang
kung ang President at ang ating halal
na Vice President parehong matanggal.
Mayrun ding nagsabing ang Kalihim dapat
nitong Sangguniang Bayan ang isalpak
‘as mayor,’ sabi ko – “hindi pupude, Brod,
di yan kasalit sa panuntunang batas.
Limitado lamang ang mga gampanin
ng SB Sec at kung saan ang tungkulin
niya ay itala sa oras ng ‘hearing’
ang mga ika nga natalakay na ‘billl’;
pero ang katulad ng sumali siya
sa deliberasyon ng ‘council’ di ubra,
kaya pumalpak man ang isinulong na
resolusyon ay di damay kumbaga.
Matapos ang ‘period of 6 months suspension’
Ni J.P. as Mayor; R.S., as Vice Mayor;
And an end for our current sitting mayor
RYAN VIRAY ang kanyang naging posisyon.
Na ni hindi niya pangarap marating
sa tanang buhay niya ang ganyan marahil,
kung kaya ang tanging maipapayo natin
huwag kalimutan kung saan siya galing.
Kasi ang sinuman na hindi marunong
sa pinanggalingan marunong lumingon,
di makararating saan man paroon,
sa ninanais na maging destinasyon.
Matutong tanawin ang pinanggalingan
gaya nitong tayo ay inalagaan
ni Ima atTiya nang sanggol pa lamang
hanggang sa paglaki dapat tanawin yan.
Batid ko kung saan ang napakapalad
inaruga’t turing ay tunay na anak
ni Misis ay itong ‘idol’ ryan ng lahat
ng ibang malapit niyang kamaganak.
Pero ni isa riyan sa anak ni Ima
kasabay lumaki sa pangangalaga
kay Mayor lumanug at ngayo’y mistula
ng yelo, aywan kung sa pagkakadapa.
May mararating siya sa panungkulan
gaya ng ibang mayor sa lalawigan;
ni Oca, na naging Mayor at Congressman
ng San Fernando at 3 rd District, kabayan.
Kay Mayor Tonton ng bayan ng Masantol
V.I.P. kwenta ang sa akin pagtugon
kapag pinasyalan ko siya sa Masantol,
kahit 2 weeks la niya akong naging Tutor.
Pati ang Tatay niyang si Congresman Bustos
malapit at welcome din kaming pumasok
sa Mansion kasalo sa pagkaing dulot,
pati ibang anak ay di rin maramot!~.