Kaya nagkamabutihan na??? Ara Mina nagbayad na ng milyong piso utang kay Cristine Reyes?

    457
    0
    SHARE
    Bati na raw ang magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes.

    Finally, matapos magpasaringan ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes sa media, balitang nagkaayos na sila at muling nag-uusap.

    Blood is thicker than water nga talaga sa dalawa. Matatandaang dahil sa pagpapasaway ni Cristine sa kanyang kontrata at ilang mga desisyong pribado kaya nagalit si Ara sa kanya.

    Pero nang muli ngang pumirma ng kontrata sa Dos ang sexy actress, hayun at nagbati na nga sila.

    Pero kuwento naman naman ng isang source, dahil daw sa binayaran na ni Ara Mina ang utang na uambot sa milyong piso sa kapatid, kaya mas napadali ang pagbabati nila.

    Kailan lang ba yung naasar si Ara dahil nga ginawang malaking isyu sa kanilangng magkapatid  yung inutang nito kay Cristine na umabot sa puntong halos magmura na si Ara dahil nga kasabay pang isyu ang di pagbabayad ng utang kay Cristine, isinali pa yung ibang utang niya sa maraming tao. May usapin ding kasing maraming businessmen na inutangan si Ara at tila wala raw itong balak na magbayad. Pero lahat ay itinanggi ni Ara dahil nga sumusumpa siyang pawing mga paninira lamang ang mga ito.

    Kami naman dito, we believe na hindi na dapat gawing isyu kung sakaling nagbayd man ng utang si Ara kay Cristine. Noon pa naman, inaamin na ni Ara na talagang nakapangutang siya sa kapatid pero hindi naman daw niya ito tatakbuhan.

    At heto nga, kung totoong nagbayad na siya, naging totoo lang si Ara Mina. Sabi nga niya noon, walang masama kung nangutang man siya. Kapatid naman daw niya ito at sa totoo lang, lahat naman daw tayo ay nangungutang.

    “Walang naming masamang mangutang, basta bayaran lang,”sabi pa noon ni Ara Mina.

    So there!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here