Home Opinion ‘Karapatang Pambata, patuloy na pahalagahan’

‘Karapatang Pambata, patuloy na pahalagahan’

87
0
SHARE

KAUGNAY nitong Children’s Month celebration
Dubbed as “Karapatang Pambata Patuloy
na Pahalagahan at Gampanan – ” tayo’y
may iminungkahi sa isang media presscon.

Na kinatigan ng City Mayor mismo
ng bantog na lungsod nitong San Fernando,
(nanguna sa presscon) Edwin D. Santiago,
mga civic-minded at ibang dumalo.

At kung saan nga sa naturang okasyon
ating itinulak ang isang suhestyon,
na ang GMRC – na kabilang noon
sa itinuturo ibalik sa school.

Ngayong marapat na muling maituro
sa iskwelahan ng ating mga guro
ang good manners and right conduct na naglaho
sa mga millennial, ang ‘po’ at ang ‘opo’.

Noon, kahit sa di natin kamaganak,
nagmamano tayo pagsapit ng oras
ng gabi, sa nakatatanda at lahat,
makasalubong lang ‘yan sa paglalakad.

Mga bata ay di matigas ang ulo
na kagaya ngayong dilat na’ng mata mo
sa kasasaway d’yan, di mo pa rin ito
basta mapatigil kahit may ibang tao!

Di gaya nang una, sa tingin pa lamang
ay alam na nila’t tiyak titigil ‘yan
sa kung anong ayaw ng mga magulang,
na sa kanila ay ipinagbabawal.

Iyan sa sarili nating obserbasyon
At ng iba pa r’yang dumalo sa presscon,
Na sinang-ayonan ng butihing Mayor,
Bunga ng kawalan ng magulang ngayon

Ng sapat na oras para matutukan
ang mga anak n’yan sa pang-araw-araw
na pagkilos pati sa loob mismo r’yan
ng kanila na rin sariling tahanan.

Dala marahil ng di gaya nang una,
na ang parents nila may oras kumbaga
na maturuan ng tamang disiplina,
kasi pati nanay nagtatrabaho na.

At kadalasan ay mga katulong lang
ang sa bahay nila kasa-kasama r’yan
nitong mga bata, at sila rin ang siyang
tagapaghatid sa mga iskwelahan.

‘Yan din ang sa ganang kay Mayor Santiago
ang sanhi kung bakit ang batang milenyo,
kumpara sa atin na bantay sarado,
ang asal at kilos nasanay sa wasto.

Kung sadyang tunay na itong ‘Karapatang
Pambata ang ating Pahahalagahan
at Gampanan Tungo sa Kinabukasan,
ang GMRC ay muling ipairal.

Kaya kung ang Children’s Month celeb ay para
sa magandang bukas ng batang iskwela,
ang Good Manners and Right Conduct’ ang tunay na
daan patungo sa ikagiginhawa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here