‘Kapit Bisig ng Mag-aaral’ nina Alex Cauguiran binigyang parangal

    297
    0
    SHARE

    Tatlong dekada na ang nakakaraan
    Noong ang Kapit Bisig ng Mag-aaral
    Sa Holy Angel ay magpasyang tugunan
    Ang hamon ng panahon at kasaysayan

    Nang tayo ay suklob ng batas militar
    At diktadura ang naghaharing tunay
    Sa lahat ng dako nitong kapuluan,
    Maging sa lungsod at mga kanayunan.

    Marami sa atin ang mga nangahas
    Makibaka upang itaas ang antas
    Ng pagtutol natin sa naturang batas,
    Pero nagbuwis lang ng buhay ng di oras.

    Sa pakikibaka ang kagaya nina
    Pedrito Pineda at ng maram pa,
    Maibalik lang ang laya’t demokrasya
    Na inagaw ng gobyernong diktadura.

    Kung saan kasama sa mga lumahok
    Sa armadong kilusan laban kay Marcos
    Itong mag-aaral na nagsipagboycot
    Ng kanilang klase’t ayaw ng pumasok.

    Isa sa grupo ng mga istudyante
    Ng tanging Holy Angel University
    Ang nagkapit-bisig nu’ng dekada 80
    ‘For the restoration of our democracy’

    Ay ang Kapit Bisig nitong Mag-aaral
    Sa pangunguna ni Alex Cauguiran,
    Na mailathala muli ang kanilang
    ‘ANGELITE’ na noon ay ipinagbawal

    At naipasara pati ang iba pang
    Student councils at ilang pahayagan,
    Na nagresulta sa wala ng halalan
    Sa mga campuses upang mapigilan

    Ang pagpapakalat ng ‘reading material’
    Na mag-uudyok sa mga kababayan
    Upang makilahok yan sa ‘armed struggle’
    Para magpabagsak ang pamahalaan

    Ng isang Diktador noong kasagsagan
    Ng batas militar sa ‘ting Inang Bayan,
    At kung saan kasama si Cauguiran
    Sa nakatikim ng parusang pisikal.

    Nang makulong dahil sa pakikibaka
    At pagtuligsa sa bulok na systema,
    Kasama ang ibang mga raliyista
    Noong si Alex ay ‘student leader’ pa

    At kung saan marami ang kabataang
    Sa likod ng dilim ay nangatimbuwang,
    Dahil sa marubdob nilang pagnanasang
    Makalag sa gapos ng batas militar.

    (Na kinasangkapan ng isang rehimeng
    Bukod sa ganid ay lubhang nalasing din
    Sa kapangyarihan at mga naisin
    Kung kaya ayaw nang sa puesto bumitiw!)

    Na kung saan sina Alex Cauguiran
    At iba pang kasamahang mag-aaral
    Ay nakulong dahil sa harap-harapan
    Nilang pagtuligsa sa pamahalaan.

    (May karugtong)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here