Jed Madela nangangarap na mapuno ang Araneta sa kanyang concert

    92
    0
    SHARE

    SIYEMPRE, bilang singer, aminado si Jed Madela na nakalulungkot din ‘yung nangyayari ngayon na ang bumebenta sa mga concert ay entertainers at foreign singers.

    By entertainers, kasama rito ang hindi legit singers tulad nina Daniel Padilla at Anne Curtis nanapupuno ang Araneta Coliseum kesa sa kanilang mga legit singer.

    “Si Anne, of course, worked hard for it din naman. Daniel’s working hard for it. Okay lang ako,” sabi ni Jed sa pocket presscon ng upcoming birthday concert, All Requests, sa July 4 sa Music Museum.

    Pero nilinaw niyang he has nothing against Daniel or Anne. “At saka, hindi ngayon madali ang magpuno ng Araneta.

    You know, sina Anne at Daniel, I’m very happy for them, they have full support of their network, their fans and their management andsiyempre, it’s their time,” pahayag ng 2005 WCOPA Champion.

    Iisa lang naman daw ang goal nilang mga performer at ito ay to entertain people. Sa birthday concert ni Jed, kakantahin niya ang mga request ng fans. Nagput- up siya ng Facebook page kung saan puwedeng mag-request ang fans ng songs na gusto nilang kantahin niJed.

    So far, ang nag-top sa request ay Let It Go, All of Me at ang pinaka-shocking, Boom Panes niVice Ganda.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here