Jackie Rice walang pagsisisi sa ginawang daring scenes

    125
    0
    SHARE

    WALANG regret si Jackie Rice kahit nagpaseksi siya at nakipag-bed scene kay Allen Dizon sa pelikulang Kamkam.

    Malaking factor daw na si Joel Lamangan ang direktor ng pelikula kaya niya ito tinanggap. “Buo ang tiwala ko kay Direk Joel na hindi niya ako pababayaan sa mga delikadong eksena ko. I think, this is the right time para naman mag-level-up na rin ako as an actress.

    “Gusto kong mabura rin kahit papaano ’yung tingin nila sa akin na maganda lang, pero walang acting kaya ginawa ko talaga ang lahat sa pelikula,” kuwento ni Jackie.

    Bow naman si Direk Joel sa pagka-professional ni Jackie. Hindi raw ito nagrireklamo kahit na anong ipagawa sa kanya. Umaasa naman si Jackie na after ipalabas ng Kamkam on July 9 ay mapapansin ng GMA-7 na seryoso siya sa pagiging aktres.

    “Pero hindi pa rin ako magiging mapili sa role na ibibigay sa akin. Okey pa rin sa akin ang mga supporting role,” sey pa ng dalaga.

    Kasama rin nga pala ni Jackie sa pelikula sina Jean Garcia, Elizabeth Oropesa, Sunshine Dizon at iba pang Kapuso young stars.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here