Kris Aquino maligaya para kina James Yap at Italian GF nito

    99
    0
    SHARE

    AYON KAY Kris Aquino, handa niyang ibigay ang lahat ng kanyang kayamanan mapatunayan lang niya na totoong happy siya para kay James Yap at sa girlfriend nitong si Michela Cazzola sakaling magpakasal ang dalawa.

    Kwento ni Kris sa The Buzz, may nagsabi sa kanya na nagkaroon na ng pre-nup pictorial sina James at Michela at lahat ay tinanong siya kung okay siya.

    Pina-tsek naman agad ni Kris kung totoo ang pre-nup pictorial and found out na hindi pala true. “Hindi pala totoo. It was a concept for the two of them to be together,” say ni Kris.

    Pero kahit hindi raw true, all her friends kept asking her kung okay siya. “I said, ‘Swear to God, ibigay ko na lahat ng kayamanan ko, happy ako for them,’” pahayag ni Kris.

    Dagdag pa niya, “Ang daling magbigay ng kaligayahan and magwish ng well for others, why? Because this girl is being nice to my son. Wala na kaming anger ni James sa isa’t isa and I feel that she will make an effort to welcome my son and be good to my son and that’s all that matters.”

    Nang tanungin kung pupunta ba siya sa kasal kung sakaling imbitahin siya, sagot ni Kris, “I’m really going to make sure super gwapo ‘yung date ko para hindi ako mukhang kawawa.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here