Indian patay sa riding in tandem

    65
    0
    SHARE
    MARIVELES, Bataan: Isa sa dalawang riding-in-tandem ang bumaril at nakapatay sa isang Indian national na katatapos mangolekta ng pautang sa isang sari-sari store sa tabi ng Roman Superhighway dito Lunes ng umaga.

    Kinilala ng mga kapwa Indian national na sumugod sa punerarya ang biktima na si Mahver Singh, 28, negosyanteng nagpapautang at nakatira sa barangay Mt. View sa Mariveles.

    Apat na buwan pa lamang umano ito sa Bataan.

    “Naningil dito. Pagkasingil, pasakay na sa motor niya, saka nangyari pamamaril. Mabait siya,” sabi ni Aurea Marie

    Abutin, isa sa dalawang tindera sa sari-sari store sa barangay Alas-Asin sa Mariveles. Galing, aniya, sa direksiyon ng Mariveles ang biktima at pabalik na sana.

    “Sinundan ng dalawang naka-motor na naka-mask. Tinapatan siya. Nagulat na lamang kami nang may bumaril sa kanya,” sabi ni Abutin.

    Ayon sa duktor ng Mariveles Health Center, nagtamo ng pitong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima. Patuloy pa ang imbestigasyon ng Mariveles police.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here