Home Opinion Huwag nang dagdagan ang pabigat sa bayan!

Huwag nang dagdagan ang pabigat sa bayan!

359
0
SHARE

ANG MGA prubinsya’y gustong ataduhin –
Distrito’y dagdagan ng mga tonggresmen…
Para lumaki ang pondo sa pork barrel?
Ang utang ng bansa’y lalong palakihin!

Ngayon ngang kokonti iyang kongresista
Ay napakarami ang naglalakwatsa…
Businessmen, landlords ang nirerepresenta –
Ang gawa, sa Baya’y madalas na kontra!

Ang mga congressmen kapag dinagdagan –
Private army, warlord ay lalong kakapal!
OPLAN Paglalansag magiging laruan,
Ang gambling at drug lords magsisipagdiwang!

Sa mga tonggresme’y huwag nang magdagdag…
Sa bansa ay sobra-sobra na ang batas
Na pabor sa elite, kontra sa mahirap –
Mismong nasa gobyerno ang lumalabag!

Kung puede’y – bawasan ang ‘representative’
(Di ng masa) kundi ng vested interests!
Huwag dagdagan ang congressional district
Lalo ngayong itong bansa’y nasa krisis!

Kasi ang congressman – tingnan ang track record
Kung di negosyante, malamang ay landlord…
Merong magagaling, may tutulog-tutulog,
Mayoria’y makinis sa pangungurakot!

At walang tonggresmen ‘atang hindi sipsip
At sunud-sunuran sa Chief Executive…
Takot ang pork barrel nila’y ipagkait
Kung sa Malakanyang ay hindi didkit!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here