NITONG nakalipas na araw ng Biernes
naisip kong buksan ang ‘steel cabinet,’
na kung saan ang ‘fi les’ ng aking ‘articles’
ay protektado sa mapanirang ‘insects.’
Na kagaya r’yan ng mga pesteng anay,
bubuwit at o kaya mga dagang bahay.
At inisa-isang sa dalawang kamay
tsinek pati ‘title’ ng lupa at bahay.
Okey lahat, at ni isang dokumento
walang pinsala sa kagat ng insekto,
at pati ang isang lumang peryodiko
na pinakasapin buo pa rin ito.
‘Sense of curiosity’ ay aking binuksan
ang ‘opinion section’ ng dyariong naturan,
at naalaala ang likas na tapang
ng mamamahayag na ating kabagang.
Na ang estilo ay tulad din ng atin
kaya naisipan kong ito’y verbatim
na kinopya para yan ay mabasa rin
sa PUNTO ng mga kababayan natin.
Lubhang matindi na kahit noon pa man
itong sa Kongreso matinding iringan
ng mayoria at minorya sa iisang
silya na parating pinag-aagawan.
‘Year 1993’ ang petsa ng dyario,
kung saan ang ‘binyag’ ng sumulat nito,
sa ubod talas na kanyang komentaryo;
‘tonggresmen’ ang iba na nasa Kongreso?
Ang ‘title’ ng pitak ‘Hampas sa Kalabaw’
na ‘daily’ ang labas n’yan sa pahayagang
“BALITA” at isa sa kolumnista riyan,
si Bienvenido A. Ramos ng Bulakan: