Home Headlines Happy 15th Anniversary to Punto Central Luzon News

Happy 15th Anniversary to Punto Central Luzon News

186
0
SHARE

Kay bilis  talaga ang takbo ng lahat
ng bagay sa mundo, gaya riyan ng oras,
kamalam-malam ay isang taong singkad
na pala ang mga araw na lumipas;

Nang di namalayan ng isang kagaya
nating ang propesyon ay lubhang kakaiba
kaysa gampanin d’yan nang tulad sa iba
na hindi gaanong napakahalaga.

Sa atin ay parang isang linggo pa lang
itong nakalipas na buwang nagdaan,
kapag abala sa importanteng  bagay
ang di mainipin sa takbo ng buhay.

Lalo’t sa katulad d’yan ng manunulat
na computer itong malimit kaharap;
kung palaging tutok yan sa pagsusulat
anhin na lamang n’yan pigilin ang oras

Partikular kapag may inihahabol
na balita’t mahalagang impormasyon;
minsan ang pagdaan nang isang maghapon,
halos hindi na n’yan mamalayan ngayon.

Kamalam-malam nga, ang inaakalang
isang linggo pa lang ang nakararaan
ay buwan na pala ang matuling nagdaan;
(At ilang linggo pa ay Bonus na naman?!)

Gaya na lang nitong animo’y kahapon
lamang itinatag ang Punto sa rehiyon,
Pero ito pala’y bumilang ng taon
sa balanseng pamamahayag sa ngayon.

Kung saan di ko na matandaan halos
ang petsa kung kailan ang aba n’yong lingkod,
nagsimula ‘as one of its contributors’
nang magsara na ang dating Pampanga News.

(Na kung saan kami magkasama dati
nina Ram Mercado, Jojo at Ka Tony
Salenga at itong alias nito’y Macky,
hanggang sa isara ng bagong may-ari).

At sa Punto tayo inalok magsulat
ng mga batikan sa pamamahayag,
kagaya ni BL at iba pang tanyag
na kabaro bilang mga manunulat.

Pero tayo, bilang literary writer,
Although mine is really opinion in manner,
It’s different compared with others since in rhyme;
And likewise is metered, how poems are written.

At ang ‘once a week’ na paglabas sa Punto
ng kahit anumang klaseng artikulo,
na Capampangan ang pagkasulat nito,
sa’kin itinoka ng Editor mismo.

At matagumpay din namang nakaraos
ang Punto sa lahat ng nagdaang unos,
Tulad halimbawa riyan ng ‘libelous’
na kasong sa Media ipinanakot.

Pero sa kabila ng anumang banta,
ang Media’y patuloy sa pagbabalita
at pagpuna n’yan sa di mabuting gawa,
sukdang ang panulat at bibig isima!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here