Gretchen Barretto kinakampihan ni Mother Lily

    178
    0
    SHARE

    Habang raging ang pambabatikos ni Inday Barreto sa mismong anak niyang si Gretchen, heto naman si Mohter Lily na kampi sa huli.

    “I feel sad because I know Gretchen very well.”

    Ito ang mga salitang binitawan kahapon ni Mother Lily Monteverde ilang oras matapos makausap sa telepono ang kontrobersyal na si Gretchen Barretto at bago humarap sa ipinatawag na presscon para sa kaibigang si Sen. Loren Legarda sa Imperial Palace Suites.

    Nalulungkot nga raw ang Regal Entertainment matriarch lalo na’t isa si Greta sa mga orihinal na Regal Babies niya.

    Pagbabalik-tanaw ng lady produ, 12-13 years old lang si Greta nang magsimulang gumawa ng pelikula sa Regal, kaya nakita raw niya itong lumaki.

    “Professional star” kung i-describe ni Mother Lily si Gretchen.

    “She always mentioned her love for her family that’s why she has to work. I really treasure her not just as a Regal Baby, but as a daughter. I’m like a second mother to her, she consults me whenever she has problems.

    “Naaawa talaga ako with all these things coming into her life now… which is why I have to also defend her.

    Umiiyak siya, she cries to me.

    “Umiiyak siya while we were talking kanina. I asked her to call me, she called naman, because I wanted to tell her that The Buzz is interviewing me on Sunday (tomorrow),” mahabang sey ni Mother Lily.

    Ang tanging advice raw na ibinigay niya kay Gretchen sa tindi ng pinagdadaanan nito ngayon ay ang maging matatag.

    Dagdag pa ni Madera, “God knows kung ano ang ginawa niya sa pamilya niya. And ako, I am a mother also.

    Mothers can also make mistakes. Ako, I say sorry to Roselle (Monteverde, anak ni Mother Lily) whenever I feel I did something wrong. We are not perfect.

    “But anyway, since malapit na ang Mother’s Day, I pray na magkapatawaran na lang ang both sides.

    Magkaayus-ayos na lahat.

    “Ako, mahal na mahal ko si Gretchen,” pagtatapos ni Mother.                  

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here