Gretchen Baretto sisibakin na ng ABC 5

    451
    0
    SHARE
    Sa true, isang malaking failure ang ‘shake mo,tv mo,’ ek ng ABC 5. As it is, halos zero ang dating ng mga commercial load kung kaya madaling isiping lugi ng malaki ang naturang network.

    And did you know na kasama si Gretchen Baretto sa mga sisibakin  sa muling pagre-reformat ng istasyon? Sa sobrang laki raw kasi ng budget ng game show ni Greta, ayan at siya na’ng pinagdidiskatahang sibakin ngayong buwang ito.

    Pero siyempre, sasabihin ng mga paid hacks ni Greta na talagang inteended lang for one season ang show niya kaya talagang mawawala na siya sa You And Me Against the World.  Na papunta siya sa USA kaya wala siyang time na mag-host pa.

    Pero as it is, very flimsy yung alibi kasi nga naman, kung kumikita talaga ang show niya, dapat , mag-advance taping na lang. O kaya naman, kumuha ng pansamantalaang kapalit niya para mag-host ng show.

    Sabi nga ng isang kolumnista.  “You don’t kill the duck that lays the golden eggs.”

    Oo nga naman!

    Mali bang kinuha ng ABC 5 si Gretchen Baretto?

    “Oo naman, wrong move yun. Una,she doesn’t know how to host. For a talk show like that to prosper, dapat mala-Kris Aquino ang dating sa katalinuhan. One who can express thoughts na hindi aasa sa script lamang. While it is true na glib din naman si La Greta at mahusay talagang umingles, kailangan pa rin yung mataas n IQ like Kris to the keep the show going greatly.

    Game show nga yun na laro-laro lang pero kung hindi naman ganoon katalino gaya ni Gretchen. Talagang magpe-fail lang.

    Isa pa, walang mass following si Gretchen. At most, controversial lang siya kaya pinag-uusapan. Imagine, kung anu-anong iskandalo ang kinasuungan niya kaya talagang mabango lang siya sa mga tsismoso’t tsismosa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here