Home Headlines Gobernador: Tutukan ang mahigpit na security plans sa mga paaralan, pamantasan sa...

Gobernador: Tutukan ang mahigpit na security plans sa mga paaralan, pamantasan sa Bulacan

260
0
SHARE
Seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral at guro sa mga paaralan sa Bulacan ang sentro ng pagtalakay sa ginanap third quarter joint meeting of the Provincial Peace and Order Council, Provincial Anti-Drug Abuse Council at ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Pinangunahan ni Gobernador Daniel Fernando ang tatlong pangunahing resolusyon na nagpapalakas ng seguridad sa mga paaralan sa pamamagitan ng paggamit ng metal detectors sa bawat taong papasok sa loob ng bakuran ng paaralan, pagbalangkas ng mga school security plan, at pagpapanatili ng drug-free community kung sana saklaw ang mga paaralan. (Shane F. Velasco/PIA 3)

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) – Mas paigtingin pa sa Bulacan ang paglalatag ng mga security plans sa mga paaralan, kolehiyo at pamantasan maging pampubliko o pribado.

Iyan ang sentro ng usapan at madiing direktiba ni Gobernador Daniel Fernando sa ginanap na Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Advisory Council at ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Binigyang diin ng gobernador na magsisilbi itong deterrence bunsod ng dumadalas na insidente ng karahasan sa mga paaralan kamakailan.

Kaya naman inendorso niya at pinagtibay ng mga konseho ang tatlong resolusyon.

Pangunahin na rito ang Resolution No. 4 na tinatawagan ang mga paaralan, kolehiyo at pamantasan na magpundar at maglagay ng mga metal detectors sa lahat ng pasukan.

Handa aniyang magbigay ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kung kakailanganin.

Ayon pa kay Fernando, sari-saring solisitasyon aniya ang natatanggap ng kanyang tanggapan mula sa mga institusyong ito, kaya’t walang dahilan para hindi ito maprayoridad.

Sa Resolution No. 5 naman, binibigyan ng mandato ang nasabing mga institusyon na maglatag ng sarili nitong security plan kung saan tutulong ang PPOC sa pagbabalangkas nito.

Habang sa Resolution No. 6, magtatalalaga ng mga mekanismo upang matulungan ang mga kabataan na nakakaranas ng mental health crisis at lubos na mapangalagaan sila laban sa lahat ng uri ng mga bawal na gamot.

Kaugnay nito, sa presentasyon ni Department of Education (DepEd) Bulacan Schools Division Superintendent Cecilia Valderama, iniulat niyang aabot sa 86 na kaso ang naiparating sa kanilang tanggapan ng mga mag-aaral na nakaranas ng physical bullying, cyber bullying, verbal misconduct, psychological emotional, discrimination at denial of access, academic misrepresentation at negligence, unfair practices at exploitation at iba pang sensitibong kaso.

Bilang Action Plan for Mitigation and Intervention for Learner Rights and Protection, isinagawa ang aktibong awareness campaign, capacity building, psychological first aid, referral system, monitiong and evaluation at ang School-Based interventions.

Pinakalundo nito ang DepEd Child Safeguarding na nakatuon sa pagtatalaga ng mga Learner Rights and Protection Officer, pagsasakatuparan ng mga programa at aktibidad para sa kalusugang pangkaisipan o mental health initiatives, pagpaprayoridad na patuloy na maisaayos at makumpuni ang mga pasilidad sa paaralan, at patuloy na pagsasagawa ng mga pagsasanay sa kaligtasan tulad ng earthquake at fire drills at ang napapanahon ngayong lockdown drill.

Lalong pinatibay naman ang ugnayan at bukas na komunikasyon ng DepEd sa Philippine National Police at iba’t ibang sangay ng pamahalaang lokal.

Gayundin ang pagpapalakas sa pagpapakalat ng mga impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platforms at posters na ipinapaskil sa mga paaralan. (CLJD/SFV, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here