Home Headlines Ex-mayor sinampahan ng DQ: rehash, ayon sa kanya

Ex-mayor sinampahan ng DQ: rehash, ayon sa kanya

1375
0
SHARE

Reelectionist Mayor Joselito Ramos (in white and red) Ex-Mayor Ferdinand Abesamis (in blue). Photos by Armand Galang


 

PENARANDA, Nueva Ecija – Nagsampa si reelectionist Mayor Joselito Ramos ng petisyon sa Commission on Elections upang i-disqualify si dating three-term Mayor Ferdinand Abesamis na kanyang katunggali sa nalalapit na May 9 elections.

Sa kanyang proclamation rally nitong Sabado ay sinabi ni Ramos na itinakda na ng Comelec ngayong Abril ang zoom hearing sa kanyang petisyon.

Tinawag naman ni Abesamis na “rehash” ang DQ petition na ito at ang tanging layunin, ayon sa kanya, ay guluhin ang kaisipan ng mga botante.

Katulad lang ito, aniya, ng petisyon upang siya’y i-DQ noong 2010 na ibinasura lamang ng Comelec.

Batay sa record, ang DQ petition laban kay Abesamis ay natanggap ng Comelec noong Marso 1, 2022.

Sa nasabing petisyon ay hinihiling ni Ramos sa Comelec na i-disqualify si Abesamis dahil ito raw ay “dismissed from service,” alisin ang pangalan nito sa listahan ng mga kandidato at ang pagpapataw ng iba pang makatarungan at nararapat na hakbang.

“Respondent Atty. Abesamis was found guilty as charged for Conduct Prejudicial to the Best InIerest of the Service pursuant to issuance of Administrative Order No. 14, dated August 27, 1998 issued by Ronaldo Zamora, then executive secretary ” ani Ramos sa kanyang petisyon, tinutukoy ang desisyon ng pag-dismiss kay Abesamis mula sa pagiging senior state prosecutor.

Ang perpetual disqualification to hold public office ay isa sa mga accessory penalties ng dismissal, dagdag ni Ramos. Hindi rin daw inilagay ni Abesamis sa certificate of candidacy nito na siya ay naharap sa naturang kaso.

Samantala, kumbinsido si Abesamis na sa basurahan din babagsak ang DQ petition laban sa kanya.

“Kasi yung reason nila, Yung grounds nila in filing the DQ against me today were the same grounds nung pinaylan ako ng DQ nung 2010, The Comelec ruled sa DQ na yon na dismissed yung kaso because I’ve been absolved of liabilities doon sa ipinaparatang sa’kin” sabi ni Abesamis.

The real intention of the petition, he said, was to muddle the issues. “Pagkatapos ay yung mga minds ng tao ay baka sakaling mabago,” aniya.

Ngunit kung titingnan aniya ang dami ng tao na sumali sa motorcade ng kanyang partido nitong Linggo ay makikitang walang epekto ang isyu.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here