Eat Bulaga may bago na namang paluluhurin

    238
    0
    SHARE
    Nag-announce na officially ang ABS-CBN, it is definite, eere na ang kanilang bagong noontime show, this time, sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, John Estrada at Randy Santiago ang kanilang mga hosts. It seems ready na naman sila to provide a stiff competition sa intitusyon ng Eat Bulaga.

    Ano sila, hindi marunong madala?

    Ready na naman silang malugmok gaya ng ilang attempts nila para nga kumpentesyahin ang grupo nina Bossing Vic at Joey De Leon.

    Kunsabagay, they are just making the game more exciting. Kapag walang kalaban ang Eat… nagiging boring ang noontime slot. Heto at meron na naming malakas ang loob, why not!

    “The more the merrier, “laging sagot ng mga taga-Eat. Reading in between the lines, puwedeng sabihing kampante na talaga sila that no other noontime show can topp;e them down. Oo nga naman, after three decades sila pa rin ang nangunguna, hinsi po ba? It seems that Eat is ready for more years.

    Kaya nga sige, palakpakan na lang ng mga paid hacks ng ABS ang kanilang mga hosts na ilalaban sa Eat Bulaga. Let us just see kung kanino ang huling palakpak.

    Puwede na ring hulaan ngayon that in due time, isasabak din nila sina Vhong Navarro at Vice Ganda sa kanilang bagong noontime squad.  Dahil malakas ang Showtime, tiyak na isasalang nga ang mga hosts kasama nina Randy, John and company.

    But let us see if they would come near at the great force of Eat Bulaga. Tingnan natin at panoorin kung paano sila muling lulugmok sa rating hanggang sa magsara sila.

    By the way, opinion lang po ito and posibleng iba ang mangyari. Baka naman this time, after many suicidal attempts, magtagumapay na sila.

    When that happens, walang masama, after all, matagal na sa ere ang Eat Bulaga at talaga namang any moment  puwede na silang ma-retire in their most glorious glory.

    Pero palagay ka ninyo madali lang talunin sina Bossing Vic at Joey De Leon?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here