Dingdong Dantes tinawag na ‘kabiyak’ ni Marian Rivera

    42
    0
    SHARE

    HINDI PA nai-interview si Marian Rivera sa nakakakilig niyang acceptance speech sa First Gintong Palad Public Service Award ng Movie Writers Welfare Foundation (MWWF).

    Tinawag nitong “kabiyak” si Dingdong Dantes na ikinatuwa ng DongYan fans. Twice pa niyang binanggit ang “kabiyak.” Heto ang speech ni Marian: “Sa ngalan po ng aking kabiyak na si Dingdong Dantes, marami pong salamat dahil ako rin bilang kanyang kabiyak ay nakikita ko po ang pagmamalasakit at pagmamahal niya sa kanyang kapuwa higit lalo po sa Yes Pinoy Foundation na talagang ipinagmamalaki ko po siya. At dahil sa pag-mamalasakit at pagmamahal niyang tunay sa kapwa niya, lalo ko siyang minahal.”

    Samantala, hindi natuloy ang fi rst taping day kahapon ng Catarina (Ang Pinakamagandang Babae sa Buong Mundo) at baka sa December na ang taping. Sa halip, sumama ito sa GMA Kapuso Foundation sa Cebu para sa relief operation.

    Dagdag na tuwa ni Marian ang pananalong Best Drama Actress sa Star Awards para sa Temptation of Wife.

    Nominated din siya for the same soap sa Asian TV Awards na December 5 ang awards night sa Singapore.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here