27th Star Awards for Television winners

    68
    0
    SHARE

    Sa ikalawang pambihirang pagkakataon, nag-tie ang ABS-CBN-2 at GMA-7 bilang Station of the Year sa katatapos lamang Star Awards for Television na ginanap sa AFP Theater, Camp Aguinaldo last Sunday night.

    Eighteen years ago (1995) nang unang mag-tie ang dalawang higanteng network sa nasabing kategorya sa Star Awards at ngayon lamang naulit.

    Nag-tie din sina Coco Martin for Juan dela Cruz at Richard Yap for Be Careful With My Heart sa Best Drama Actor category gayundin sa Best Drama Supporting Actor category na napanalunan nina Arjo Atayde for Dugong Buhay at Aaron Villafl or for Juan dela Cruz.

    Solo naman ni Marian Rivera ang Best Drama Actress para naman sa pagganap niya sa Temptation of Wife.

    Nanalo namang Best Drama Supporting Actress si KC Concepcion para sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala.

    Ito ang una niyang acting award at hindi makapaniwala ang young actress sa tinamong tropeo at say niya sa acceptance speech, aktres na rin daw siya. Pinasalamatan niya ang inang si Sharon Cuneta for inspiring her gayundin ang bida ng serye na si Judy Ann Santos na para na rin daw niyang big sister.

    First time-winner din si Nikki Gil na tumanggap naman ng Best Single Performance by an Actress para naman sa Ilog episode niya ng Maalaala Mo Kaya. First time rin na manalo ng acting award ni Andrea Brillantes bilang Best Child Performer para naman sa seryeng Annaliza. Madamdamin ang kanyang acceptance speech at umaakyat pa lang siya sa stage ay umiiyak na siya.

    Na-bother kami at na-curious sa sinabi ni Andrea na may nangbu-bully sa kanya. Umiiyak niyang sabi, “thank you rin sa mga nagbu-bully sa akin, sa mga nagsasabing pangit ako, na hindi ako mananalo, na hindi ako sisikat.”

    Pati ang manager niyang si Becky Aguila ay nagulat nang makarating sa kanya ang sinabi ng child star dahil hindi raw niya alam na iyon ang sasabihin ng bagets. Pati nga raw ang ina nito ay nagulat din.

    Anyway, gabi ng mga naggagandahang female stars ang nasabing awards night. Nagniningning ang beauty nina KC, Kim Chiu (na nanalong Female Star of the Night) at Marian nang gabing iyon.

    Sina Vice Ganda naman and Coco Martin ang pinakamaraming fans sa loob ng theater dahil sa rami ng mga nagsigawan sa kanila.

    Sa pamumuno ni Pangulong Fernan de Guzman, ang kabuuan ng 27th PMPC Star Awards for TV ay mapapanood sa ABS-CBN Sunday’s Best sa December 1, 2013. Ito’y mula sa Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino at sa direksyon ni Al Quinn.

    Narito ang partial list ng mga nanalo:

    BEST PRIMETIME DRAMA SERIES : Juan Dela Cruz / ABS -CBN 2

    BEST DAYTIME DRAMA SERIES: Be Careful With My Heart / ABS-CBN 2

    BEST DRAMA ACTRESS : Marian Rivera / Temptation Of Wife / GMA 7

    BEST DRAMA ACTOR: Coco Martin / Juan Dela Cruz / ABS-CBN 2 and Richard Yap / Be Careful With My Heart / ABS-CBN 2

    BEST DRAMA SUPPORTING ACTRESS: KC Concepcion / Huwag Ka Lang Mawawala / ABS-CBN 2

    BEST DRAMA SUPPORTING ACTOR: Arjo Atayde / Dugong Buhay / ABS-CBN 2 and Arron Villaflor / Juan Dela Cruz / ABS-CBN 2

    BEST DRAMA ANTHOLOGY: Magpakailanman / GMA 7

    BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTRESS: Nikki Gil / MMK — Ilog / ABS-CBN 2

    BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTOR: Carlo Aquino / MMK — Pulang Laso / ABS-CBN 2

    BEST CHILD PERFORMER: Andrea Brillantes / Annaliza / ABS-CBN 2

    BEST NEW MALE TV PERSONALITY: Ruru Madrid / Maynila: Faith In Love / GMA 7

    BEST NEW FEMALE TV PERSONALITY: Janella Salvador / Be Careful With My Heart / ABS-CBN 2

    BEST GAG SHOW: Banana Split:Extra Scoop / ABS-CBN 2 and Bubble Gang / GMA-7

    BEST COMEDY SHOW: Pepito Manoloto / GMA-7

    BEST COMEDY ACTOR: Michael V / Bubble Gang / GMA-7

    BEST COMEDY ACTRESS : Rufa Mae Quinto / Bubble Gang / GMA-7

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here