Dingdong Dantes, Rhian Ramos maganda ang tinginan

    70
    0
    SHARE
    Excited nga ba si Rhian Ramos na ma-link kay Dingdong Dantes?  Secret crush pala ni Rhian si Dingdong kaya pinaghahandaan na niya’ng pagkakataong mali-link nga silang dalawa now that magkasama sila sa isang project sa GMA 7.

    Ready na raw si Rhian Ramos sa posibilidad na ma-link sila ng kanyang bagong leadingman na si Dingdong Dantes dahil sa pagkaka-love team nila sa Stairway to Heaven.

    “Yan ang nangyayari ‘pag pinag-love team ang isang young actor at young actress sa isang show. Tanggap ko na ‘yan,” wika ni Rhian sa isang interview namin.

    Kumusta ang lovelife mo? Ready ka na bang ma-in love seriously at magkaroon ng serious boyfriend?

    “Parang hindi pa. Kasi naman sinubukan ko na ‘yan, makipag-date, pero walang nangyari.”

    Wala na ba kayong communication ni JC ( de Vera)?

    “We’re still friends.”

    Nagkikita pa ba kayo?

    “Hindi na, pero may communications pa rin kami.”



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here