Home Headlines Dating sekyu patay sa pamamaril

Dating sekyu patay sa pamamaril

124
0
SHARE

MARIVELES, Bataan — Patay ang isang sekyu matapos itong pagbabarilin sa loob ng kanilang bakuran ng di pa kilalang dalawang kalalakihan sakay ng motorsiklo sa Barangay Alasasin sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Leonardo Roque, 49, nanunuluyan sa Verapaz Homes Subd., Mariveles.

Ayon sa asawa ng biktima wala siyang alam na kaaway ang kanyang asawa kung kaya laking gulat na lamamg nito kung bakit ito pinaslang.

Nabatid pa na gabi pa lang ay mayroon na silang nakitang aali-aligid sa kanilang bahay at may nakasalubong pa silang dalawang katao na magkaangkas ng motorsiklo subalit hindi nila ito pinansin.

Ayon naman sa ilang testigo binaril ang biktima ng malapitan ng mga suspek na nakasuot ng helmet, naka-jacket ng camoufl age at nakamaong.

Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala ng baril.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here