Home Headlines Indian patay sa aksidente

Indian patay sa aksidente

117
0
SHARE

BOTOLAN, Zambales – Patay ang isang Indian national matapos sumemplang ang kanyang sinasakyang single motorcycle nang masagi ito ng nag-overtake na sasakyan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Panan sa bayang ito.

Sa ulat ng Zambales PNP, kinilala ang biktimang si Dharminder Pal Sing, 37, ng Barangay Sta. Rita, Cabangan, Zambales.

Ayon sa ulat binabagtas ng biktima ang nasabing highway sakay ng kanyang motorsiklo nang biglang mag-overtake ang kasunod nitong Izuzu Gigamax na minananeho ni Elioterio Gamon, 64, ng Burgos Street, San Leonardo, Nueva Ecija.

Dahil sa malakas na pagkakasagi sa sinasakyang motorsiklo ng biktima tumilapon ito at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ang biktima ay isinugod sa President Ramon Magsaysay Hospital sa Iba, Zambales subalit idineklara itong dead on arrival sa nasabing pagamutan.

Kaagad namang sumuko sa pulisya ang suspek at nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here