Home Headlines Dagdag P50-K sa P100-K benepisyo sa centenarian

Dagdag P50-K sa P100-K benepisyo sa centenarian

320
0
SHARE

Si Mayor Aida Macalinao sa kanyang pagpapahayag ng dagdag P50,000 benepisyo sa mga kababayang umaabot sa edad na 100 taon. Kuha ni Ernie Esconde



SAMAL, Bataan
Bukod sa P100,000 na benepisyong ipinagkakaloob ng national government sa mga senior citizen na umabot na sa 100 taong gulang, nagdagdag ang local government dito ng panibagong P50,000.

Sinabi ni Mayor Aida Macalinao ngayong Sabado na napakaganda ng programa ng national government sa matatanda kaya naisipan nilang magpasa ng ordinansa.

“Gumawa kami ng ordinansa para sa kapakanan ng mga matatanda dahil madalang naman ang nakaka-reach ng 100 years old. Nagbibigay ang national government ng P100,000, nagdagdag naman kami ng P50,000, sabi ni Macalinao.

Bukod sa tulong na P50,000 sa 100 years old, sinabi ni Macalinao na tumutulong din sila sa mga matatanda na 90 hanggang 99 years old.

“Ang matatanda na mag-reach sa 90 to 99 years old ay tatanggap once ng P10,000 galing sa pamahalaan ng bayan ng Samal, sabi ng mayor.

Ayon kay Macalinao marami na silang nabigyang matatanda na 90 pataas ngunit nagsimula sila ng P5,000 muna dahil kinapos sa pondo dala ng pandemya. “Ang balanseng P5,000 ay matatanggap nila sa December before the end of the year, sabi nito.

Ang mga benepisyong ito, aniya, ay galing sa pondo ng local government: “Galing sa mga local income ng bayan ng Samal na binudgetan namin na priority sa mga senior citizen.

Sinabi ng mayor na halos may anim na matatandang sumapit ng 100 taong gulang ang nabigyan na nila ng P50,000 bukod pa sa P100,000 ng national government.

Kamakailan, aniya, dalawang matatanda ang pinagkalooban nila ng tigP50,000 habang hinihintay pa ang tigP100,000 mula sa national government.

Kasalukuyan, aniya, na inaayos pa ang mga requirements upang mai-submit sa regional at national offices ng Department of Social Welfare and Development.

“Nasa puso namin ni Vice Mayor Jun Espino at bumubuo ng sangguniang bayan ang kapakanan ng mga matatanda sa ating bayan,” sabi ni Macalinao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here