Home Headlines DA umalalay ng P4.6-M tulong sa 1,545 magsasaka, mangingisda sa Malolos

DA umalalay ng P4.6-M tulong sa 1,545 magsasaka, mangingisda sa Malolos

252
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Nakinabang ang may 1,545 na mga magsasaka at mga mangingisda sa lungsod ng Malolos sa P4.6 milyong halaga ng tulong pinansiyal na ibinaba ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay City Agriculturist Romeo Bartolo, may halagang P3,000 ang ipinagkaloob sa bawat isa na oportunidad upang mahikayat ang mga ito na gawing puhunan para sa ibang uri ng kabuhayan.

Ang mga nakatanggap ng nasabing ayuda ay pawang mga nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture, na nagbibigay ng garantiya na mga lehitimo silang mga magsasaka at mangingisda.

Bahagi ito ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food and Transportation o UPLIFT Program na binuo at ipinatupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang tugon sa naging pagtaas ng mga produktong petrolyo dahil sa digmaan sa Gitnang Silangan.

Nakinabang ang may 1,545 na mga magsasaka at mga mangingisda sa lungsod ng Malolos sa P4.6 milyong halaga ng tulong pinansiyal na ibinaba ng Department of Agriculture. May halagang P3,000 ang ipinagkaloob sa bawat isa na oportunidad upang mahikayat ang mga ito na gawing puhunan para sa ibang uri ng kabuhayan. (Malolos CIO)

Kasabay nito, nagkaloob naman ng hiwalay na P5,000 ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos para sa may 58 mga magsasaka na naapektuhan ng pagkatuyo ng mga palayan dahil sa limitadong patubig dahil sa nararanasang tag-araw.

Naging prayoridad na mabigyan nito ang mga magsasaka sa mga palayan sa mga barangay ng Santor, Ligas, Sumapang Matanda, at Balayong na pinaka naapektuhan ng nasabing tagtuyot.

Binigyang-diin ni Malolos City Mayor Christian Natividad na bagama’t hindi ito sasapat, maiibsan naman sa lalong madaling panahon ang pinsala sa sektor ng pagsasaka.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa mga dam ng Angat at Bustos, nagtakda ng water scheduling ang National Irrigation Administration. (CLJD/VFC, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here