LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Tiyak at tuloy-tuloy ang pagkilos ng Kapitolyo sa pagsuporta sa sandbagging operation ng LGU ng Minalin sa umapaw na bahagi ng dike sa kahabaan ng Barangay Sta. Catalina nitong Lunes, Aug. 10. Matapos personal na mamonitor nina Vice Gov. Dennis “Delta” Pineda at Minalin Mayor Philip Naguit ang sitwasyon, agad na nagpadala si Gov. Lilia “Nanay” Pineda ng karagdagang sandbags bilang paunang intervention ng Kapitolyo upang mapigilan ang patuloy na pag-apaw ng tubig at maprotektahan ang mga palaisdaan, kabuhayan, at ari-arian ng mga residente sa gitna ng walang tigil na pag-ulan.






Sa kasalukuyan, 4,300 sandbags na ang na-deliver at naipuwesto ng lalawigan sa umapaw na bahagi ng dike. Bilang karagdagang paghahanda, nagpadala rin ang pamahalaang panlalawigan ng tatlong truckload ng buhangin at 2,000 sako na maaaring magamit sakaling kailanganin pa ng karagdagang sandbags.



