Home Headlines Covid-19 sa Zambales: 4 nagnegatibo, 3 bagong kaso

Covid-19 sa Zambales: 4 nagnegatibo, 3 bagong kaso

159
0
SHARE

IBA, Zambales — Apat ang kinumpirmang nagnegatibo sa Covid-19 sa Zambales nitong Huwebes, samantalang nakapagtala ng tatlong panibagong kaso

Ito ang kinumpirma ng provincial health office, batay sa resulta na ipinalabas ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital.
Ang mga nagnegatibo sa Covid-19 ay: 27-anyos na lalaki mula sa Iba, 45-anyos na lalaki mula sa Castillejos, 18anyos na lalaki na mula sa Caloocan City, 24anyos na babae mula sa Botolan.

Ang mga nasabing pasyente ay nakauwi na sa kanilang tahanan at nasa mabuting kalagayan.

Muli namang nakapagtala nitong July 30 ang Zambales ng tatlong panibagong kasong ng Covid-19.

Ang mga ito ay: 49-anyos na babae mula sa Botolan, 66-anyos na lalaki mula sa Castillejos, at 36anyos na babae na nagmula sa Navotas City.

Sa kabuuang bilang ang Zambales ay may 53 kaso ng Covid-19, 41 ang nakarekober, 11 ang active cases, at isa ang nasawi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here