Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 20 bagong kaso, 16 nakarekober

Covid-19 sa Bataan: 20 bagong kaso, 16 nakarekober

389
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Nagtala ang Bataan ng 20 bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease na nagpaakyat sa bilang nitong 2,781 samantalang 16 naman ang bagong nakarekober na umabot na sa 2,521 ang kabuuang bilang nito.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia ngayong Huwebes na dahil sa pagtaas ng mga kaso, umabot sa 207 ang mga aktibong kaso. Nananatili naman 53 ang mga nasawi na.

Ang mga bagong nagpositibo sa Covid-19 ay pito mula sa Hermosa, tig-tatlo sa Balanga City at Orani, dalawa sa Limay, at tag-iisa sa Samal, Abucay, Orion, Dinalupihan, at Mariveles.

Kabilang sa mga bagong gumaling sa virus ay anim mula sa Balanga City, tig-apat sa Mariveles at Orani, at tig-isa sa Limay at Pilar.

Mula sa 28,675 na sumailalim sa Covid-19 test, 25,579 ang nagnegatibo na habang 315 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here