Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 16 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 16 bagong kaso

225
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 413 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease sa Bataan matapos magtala ng 16 na bagong kumpirmadong kaso, sabi ngayong Linggo ng gabi ni Gov. Albert Garcia.

Ayon sa governor, lumabas sa contact tracing na lima sa mga kumpirmadong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19 matapos dumalo sa worship gathering noong ika-19 ng Hulyo sa lungsod na ito.

Ang mga ito ay 52-anyos na lalaki, 24-anyos na lalaki, 22-anyos na babae, 25-anyos na babae, at 43-anyos na babae, lahat mula sa Mariveles.

Batay sa report ng provincial health office, pito rin sa mga bagong kaso ang nagkaroon ng close contact sa mga nagpositibo sa Covid-19.

Sila ay 12-anyos na lalaki, 11-anyos na babae, 38-anyos na lalaki, 6-anyos na lalaki at 52-anyos na babaeng health worker, lahat mula sa Mariveles; 3-anyos na lalaki at 19-anyos na babae mula sa Limay.

Ang iba pang mga bagong kumpirmadong kaso ayisang 49-anyos na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga59-anyos at 67-anyos parehong lalaki mula sa Limayat 38-anyos na lalaki mula sa Orion.

Sinabi ng PHO na umabot na sa 150 ang bilang ng mga aktibong kaso samantalang nananatili naman sa 251 ang nakarekober na at 12 ang mga pumanaw na.

Nasa 181 ang naghihintay ng resulta ng test at 7,431 ang nagnegatibo na sa 8,025 na sumailalim sa Covid-19 test.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here