Home Headlines Covid-19 fatality sa Bulacan umakyat na sa 7

Covid-19 fatality sa Bulacan umakyat na sa 7

701
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Umakyat na sa pito ang kabuuang bilang ng namatay dahil sa Covid-19 sa Bulacan nitong hapon ng Marso 29.

Ayon sa Bulacan Provincial Health Office, namatay ang lalaking 56anyos na si patient 387 na naka-confine sa isang pribadong ospital sa Malolos.

Kayat sa kabuuan ay pito na ang naitatalang namamatay sa lalawigan dahil sa coronavirus: dalawa dito ay mula sa bayan ng San Ildefonso, dalawa sa San Jose Del Monte, isa sa Marilao, isa sa Meycauyan, at ang pinakahuli ay itong sa Malolos.

Nasa 18 naman ang kabuuan na confirmed Covid cases: apat ang sa San Jose Del Monte, apat sa Malolos, dalawa sa San ildefonso, dalawa sa bayan ng Bulakan, dalawa sa Meycauyan, tig-iisang kaso mula sa mga bayan ng Guiguinto Baliwag, Pandi, at Marilao.

Habang nasa 278 naman ang PUI, 2,096 na PUM at 112 na ang nacleared na PUI at 1,433 naman ang cleared na PUM.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here